^

Pang Movies

Marian nawala ang lagnat nang hawakan ni Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May slight fever man si GMA Primetime Queen Marian Rivera, hindi niya binigo ang invitation ng Yahoo! Celebrity Awards 2014 na dumalo sa launch nito sa Amber UltraLounge sa Bonifacio Global City the other night.  Ilan pa sa mga celebri­ties na dumalo sina Christian Bautista, Rocco Na­cino, Ritz Azul, Jeron Teng, Janella Salvador, Kaye Abad, Saab Magalona, ang mag-sweetheart na Bea Binene at Jake Vargas. 

Ang awards night ay gaganapin sa Friday, July 18 sa SM Mall of Asia. Twenty eight categories ang ipamamahagi sa gabing iyon.

Pero sa launch pa lamang, ipi­nagkaloob na nila kay Marian ang top award na Yahoo! Cele­brity Media Magnet Award (sabi’y katumbas daw ito ng Darling of the Press award) mula sa management ng Yahoo!  Nagpasalamat si Marian sa top award na ipinagkaloob sa kanya pero maaaring may tangga­pin pa siyang award sa July 18 dahil nominated siya sa cate­gories na Celebrity of the Year, Celebrity Couple (with boyfriend Dingdong Dantes), Actress of the Year, nominated din sa Fan Club of the Year ang DongYanatics nila ni Dingdong at ang kanyang Carmela soap sa Teleserye of the Year.

Anyways, kinabukasan, nag-appear na muli si Marian sa Juan for All, All for Juan segment nila sa Eat Bulaga, gumaling siya agad dahil dinalaw ng boyfriend na si Dingdong Dantes, kahit may taping ito ng Ang Dalawang Mrs. Real.

It’s final, tuloy na tuloy na ang grand launch ni Marian as the newest endorser ng Bench Body na gaganapin bukas, sa Sunday All Stars, 1:00 p.m. sa GMA 7.

Magpipinsan wagi sa pagtuturo ng magagandang asal

Maswerte ang bumubuo ng grupong Young Minds Inspired, sina Bobbie Mabilog, Brad Mabilog, at Nico Evangelista, dahil may very supportive fa­mily sila. Magkapatid sina Bobbie at Brad, parents nila sina Atty. Joseph Ge­rard Mabilog (Presiding Commissioner of the 6th Division of National Labor Commission) at ni Ma. Cindy D. Mabilog, may-ari ng kanilang Seven Pillars Catholic School sa Bel-Air, Sta. Rosa, Laguna, pinsan naman nila si Nico. Si Cindy ang producer and general manager ng CM7 Music & Vi­deo Production Studio, na siyang nagbuo ng grupong Young Minds Ins­pired na siya ring title ng kanilang show sa GMA News TV every Sunday, 8:30 – 9:00 a.m. Nasa se­cond season na ang show nga­yon.

Ang show ay nagtuturo ng old Filipino and fa­mily values sa pamamagitan ng kanilang mga songs, doing community works na tumutulong sa mga ka­babayan nilang nangangailangan. Ang show ay may mga segments na Yakang-Yaka, na nagtuturo sa mga kabataan to do household chores; Tunog Kabataan that features Original Filipino Music of the young, na usually ay sila ang nagku-compose ng mga kanta.  Ang grupo ay tumanggap na ng special citation mula sa 2011 Catholic Mass Media Awards for Inculcating Values in the Youth through Music.

Bobbie is 19, at nag-aaral sa Ateneo University, si Brad ay 21, student of University of the Philippines, Diliman at si Nico is 21, a student of the Philippine Normal University.

ACTRESS OF THE YEAR

ATENEO UNIVERSITY

BEA BINENE

BENCH BODY

BOBBIE MABILOG

BONIFACIO GLOBAL CITY

BRAD MABILOG

DINGDONG DANTES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with