Richard at Sarah hindi kakabog-kabog ang dibdib sa mga tsismoso
MANILA, Philippines - Malaya nang makakagala sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ngayon araw na ito sa Dubai nang wala nang itinatago pa. Kaya na nilang sagutin ang tanong nga mga Pinoy roon tungkol sa pagkakaroon nila ng anak.
Magkakaroon ng fashion show si Sarah ngayong araw na ito sa nasabing bansa. Ito ‘yung na-postpone na event niya nu’ng kasagsagan ng balita tungkol sa MERS Corona Virus.
Higit ngang panatag na ang loob ng dalawa dahil wala na silang lihim na itinatago, huh! Mas madali na lang nilang masasagot ang iba pang katanungan tungkol kay Baby Zion at planong pagpapakasal.
Paolo minamani lang ang panggagaya kay MalefiCent
Bentang-benta sa publiko ang panggagaya ni Paolo Ballesteros sa character ni Angelina Jolie sa movie niyang The Maleficient. Pero ayon kay Pao, nadalian lang siyang gayahin ang character ng Hollywood actress.
“Pangahan kasi si Angelina eh, marami rin tayo niyan! Ha! Ha! Ha! Mas nahirapan akong gayahin ang hitsura ni Mariah Carey na ginawa ko minsan sa Eat Bulaga!†saad sa amin ni Paolo sa huli naming pag-uusap.
Bukod sa pagpapatawa, isa sa assets ni Paolo ang galing niya sa pagmi-make-up. Kaya niyang gayahin sina Nora Aunor, Marilyn Monroe, at Megan Young. ‘Yun nga lang, malabo niyang lagyan ng make-up si Marian Rivera na kasama niya sa dance musical na Marian dahil loyal ang GMA Primetime Queen kay Bambi Fuentes, huh!
Andre biglang naging masayahin
Kinabiliban si Andre Paras ng co-stars niya sa The Half Sisters dahil sa pagiging independent nito tuwing makikita sa taping na walang alalay at nagda-drive mismo ng sariling sasakyan.
“Kasi I’d like to take care of myself also. I just like to do things for myself also. Parang I wanna learn. I wanna learn to be independent. Kasi I’m 18 na. I can’t rely on like ‘yung mga tumutulong sa akin,†pahayag ni Andre nang aming makausap.
Eh, sa success ng first movie niyang Diary ng Panget, may nabago ba sa kanya?
“At first, it changed me pero kailangan tanggapin sa sarili ko. Kasi in Diary ng Panget, I just played myself. Sabi nila, kengkoy. And people said I was very good in acting. Sabi ko, I was just playing myself.
“So parang when people say…Thank you. Ang saya ko lang. Funny, matangkad. So I’m confident na. When people talk to me, I’m not shy na. More of like I’m a happy person!†paliwanag pa ng anak ni Benjie Paras.
Lubha siyang natuwa sa tagumpay ng movie dahil nagmarka ang character niyang si Chad hindi tulad noon na anak ni Benjie Paras ang tawag sa kanya.
Eh, ano naman ang feeling niya dahil ang kapatid niyang si Kobe ay magiging bahagi ng Winter Olympics sa larong basketball?
“Super proud ako sa kanya dahil dream niya talagang maging big sa basketball. He’s almost there. I’ll be there to support. Dream ko rin ‘yon but one step at a time. Siya, he’s very lucky,†tugon ni Andre.
- Latest