^

Pang Movies

Matapos layasan ng stylist TV host biglang naging losyang

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami na ang nakakapansin sa mga hindi kagandahang suot ng isang female TV host sa kanyang show.

Kung dati ay magaganda ang mga suot nito, ngayon ay parang sa kung saang department store na lang nabibili ang kanyang mga suot.

Napag-alaman namin na nilayasan pala ng sty­list ang naturang female TV host kaya hindi na ito mukhang sosyal ngayon.

Hindi na raw nakayanan ng stylist ang hindi magandang treatment ng female TV host sa kanya at sa iba pa nitong mga kasama.

Masyado na raw naging OA ang pagiging demanding ng female TV host. Kapag may gusto ito nang biglaan mula sa kanya stylist, kailangan mai-produce ito ng stylist agad-agad or else magtatatalak daw ito.

Kahit pagdating sa make-up at pag-ayos ng buhok niya, marami itong nagiging reklamo. May mga gustong ayos ang female TV host na hindi bagay sa kanya pero ito ang dini-demand niya sa nag-aayos sa kanya.

Kapag hindi raw nito nagustuhan, basta na lang daw nito buburahin ang make-up pati na ang ayos ng buhok niya.

Kaya ang ending ay pinagwelgahan ang female TV host ng kanyang stylist at make-up artist. Kahit anong pakiusap ng staff ay ayaw na talaga nilang makatrabaho ang female TV host.

Ayaw naman daw gumastos ng female TV host para sa sarili niyang stylist at make-up artist dahil pinapairal nito ang pagkakuripot niya.

Kaya hindi kataka-takang okrayin siya sa mga suot at ayos niya dahil obvious na wala na ngang nagtiyagang ayusan si female TV host.

Jon hindi

makapaniwalang aabot sa 100 episodes ang kanyang show

Hindi inakala ng TV-stage comedian na si Jon Santos na tatagal ang kanyang talk show sa Viva Channel na The Jon Santos Show, noong unang umere ito noong 2012.

Ngayon ay sine-celebrate nga ni Jon ang ika-100th episode ng kanyang talk show at ilang mga special guest ang naka-line-up para sa selebrasyon na ito.

 â€œLumulutang pa rin ako sa cloud nine. Heaven na heaven ang pakiramdam ko, pati na ang staff ng The Jon Santos Show, dahil naka-100 episodes na pala kami.

 For the past 19 years ay napatunayan ni Jon ang kanyang husay sa pag-impersonate sa mga sikat na celebrities in showbiz and politics.

Kabilang sa mga best-loved characters niya na napapanood sa kanyang talk show ay sina Ate Vi (Vilma Santos), Basana Roces (Rosanna Roces), Armida Sigyon-Makarena (Armida Siguion-Reyna), Sherap Espada (Erap Estrada), Shawie (Sharon Cuneta), Bro. Mike Volare (Mike Velarde), Sen. Meeryam (Miriam Defensor-Santiago), Pres. Gloring (Gloria Macapagal-Arroyo), Krissy Anino (Kris Aquino) at Okrah Weenfree (Oprah Winfrey).

Nadagdagan pa ito ng kanyang impersonations nila Charo Santos-Concio, Boy Abunda, Ryzza Mae Dizon, Lady Gaga, Apl. de.ap, Mommy Dionisia Pacquiao, at Princess Leia of Star Wars.

Sa magaganap sa 100th episode ng TJSS ay may bonus silang kantahan dahil ang kanyang mga special guest ay sina Mark Bautista, Bituin Escalante, Princess Velasco, Nadine Lustre, at si Mr. Ryan Cayabyab.

Beyonce, number 17 na pinakamakapangyarihang babae sa mundo

Nilabas na ang Forbes’ List ng World’s Most Powerful Women ng 2014.

Ang German chancellor na si Angela Merkel ang nasa number one spot kasama ang dalawang U.S. first ladies sa Top 10: Michelle Obama (8) at Hillary Clinton (6). Samantalang si Queen Elizabeth II ay nasa number 35.

Si Beyonce Knowles lang ang kaisa-isang entertainment celebrity na nakasama sa Top 20 sa number 17. Samantalang ang supermodel na si Gisele Bundchen ang nag-iisang model na nakapasok sa Top 100 sa number 89.

Ang sexy comedienne ng TV comedy na Modern Family na si Sofia Vegara ay nasa number 32.

Apat naman mula sa fashion industry ang nakapasok: Anna Wintour (39); Diane Von Furstenberg (68); Miuccia Prada (75), at Tory Burch (79).

Si Oprah Winfrey naman ay pasok sa Top 20 at number 14.

Ang iba pang celebrities na pasok sa listahan ay sina Ellen DeGeneres (46); Angelina Jolie (50), at Lady Gaga (67).

vuukle comment

ANG GERMAN

FEMALE

HOST

JON

JON SANTOS SHOW

KANYANG

LADY GAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with