^

Pang Movies

Marian tuhug-tuhog ang trabaho!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Concerned ang mga fans ni GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa health ng aktres, baka raw sobra na ang trabaho nito at mag-suffer na ang kalusugan nito. 

Last weekend kasi, whole day siyang nag-rehearse at nag-taping ng pilot episode niya ng bago niyang musical-dance show na Marian.

Nauna silang nag-rehearse at nag-taping ng special guest niyang si Batangas Governor Vilma Santos at after dinner nag-rehearse at nag-taping ang kanyang Inay Marya (Maricel Soriano) na inabot na ng past midnight dahil may ibang segment pa ang show na itinape naman nila ng co-host niyang si Paolo Ballesteros at ang musical number ni Julie Ann San Jose.

Saturday, nasa Tagum, Davao na siya para sa mall show to promote her Smart Talk ‘N Text mobile. Tumuloy siya last Sunday sa General Santos City para sa isang outreach niya as the Ambassador for Women and Children with Disabilities sa branch ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) doon.  Noong hapon, nasa SM City Gen. Santos naman siya para sa GMA Regional Show na dinumog ng mga tao sa kabila ng init ng panahon. 

Early morning of Monday siya bumalik ng Manila pero dumiretso pa rin siya sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga dahil absent si Jose Ma­nalo. 

Hindi natuloy ang launch ni Marian ng Bench last Tuesday dahil gusto raw nilang i-launch ito sa isang TV show, preferably sa Sunday All Stars. 

My Illegal Wife inihahabol sa The Legal Wife

Kung matagal na rin daw pinag-iinteresan ni Pokwang si Zanjoe Marudo, ngayon ay hindi na siya maghihirap dahil after ng pelikula nilang Cinco noon, muli silang pinagtambal ng Skylight Films sa My Illegal Wife.

Naniniwala ang producer na si Enrico Santos at si Direk Tony Reyes na magugustuhan ng mga manonood ang pelikula dahil may puso ang story nito na magpapakita sa mga moviegoers ng isang ‘di malilimutan at nakaaaliw na movie experience kasama ang hysterical tandem nina Zanjoe at Powkie.

Totoo bang inihahabol ito sa malakas na da­ting ng My Legal Wife sa ABS-CBN? Ang totoo raw apat na taon nang nabuo ang concept nito na ang working title ay Amnesia, pero hindi nagawa agad at since tamang-tama naman ang title ng My Illegal Wife sa story ng single mom na si Clarise (Pokwang) at ng may amnesiang si Henry (Zanjoe), nag-swak sa kanila ang project.

Sa June 11 na ang showing ng movie na kahit si Direk Tony Reyes ay nagulat din na ipalalabas na pala ang movie nila. 

Mabuti na raw lamang pare-parehong professional ang kanyang mga artista kaya wala siyang naging problema at nakaya niyang matapos on time ang pelikula.  Hindi ito ang first movie na ginawa ni direk Tony for Star Cinema.

Nakailang kiss si Pokwang kay Zanjoe sa kabuuan ng pelikula, sa rami raw, hindi na niya matandaan kung ilan. Binawi niya ito sa pagsasabing napaka-gentleman ni Zanjoe at ang swerte raw ng girlfriend nitong si Bea Alonzo. 

Wala raw namang pag-aalangan kay Zanjoe na makaeksena si Mamang Pokwang dahil nagsisimula pa lamang siyang mag-artista, nakakasama na niya ang seksing komedyana na napakabait at masayahin.

vuukle comment

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BEA ALONZO

CITY GEN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

DIREK TONY REYES

MY ILLEGAL WIFE

POKWANG

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with