May himala, AiAi pinagmilagruhan!
MANILA, Philippines - Mistulang himala ang naranasan ni AiAi delas Alas kahapon habang gumagawa siya ng tsekeng idu-donate sa Missionaries of Charity na ang nabasang halaga sa post niya sa Instagram account niya ay “hundred thousand pesos only.†Wala siyang binanggit kung one, two, three hundreds of thousands pesos ‘yon.
Usually kasi, silent giver si AiAi. Pero ‘yung pangÂyayaring ‘yon ay ibinihagi niya upang patotohanan na, “God provides, listens at alam Niya talaga!â€
Ayon kay Ai, gumagawa siya ng tseke para sa nasabing organisasyon na mula pa nu’ng maliit ang anak niya ay ‘yun na ang binibigyan niya ng tulong. Post-dated ang check ng June 10 kahit marami siyang babayaran. Naisip daw niyang hindi siya pababayaan ng Diyos.
Habang nagsusulat siya ng amount ng tseke, luÂmapit ang secretary niya upang sabihin na idi-deposit ang cheke na nasa kanya (secretary) na bayad sa endorsement niya. Nakalimutan pala niyang meron siyang post-dated check na June 10 din.
Eh, ‘yung amount ng tseke na idi-deposit ng secretary niya, ‘yun din ang amount ng check na idu-donate Niya, huh!
My God! Iba ka talaga!†deklara ni AiAi na may halong comedy ang pagkatuwa niya.
“But it’s so touching! Ibig sabihin, lahat nang pangangailangan natin alam Niya at lahat ibinibigay Niya dahil mahal Niya tayo!
“I love you, God at thank you sa napakagandang script ngayong umaga…Amen.â€
Miracles do happen, ‘di ba, Ateng Salve? (Super agress po tito lalo na pag mabait ka. Hahaha. – SVA) .
Bahay ni Kuya may love triangle
Umarya na ang “landian†sa housemates sa Pinoy Big Brother All in sa episode na aming napanood last Monday. Luma-love triangle ang housemates na sina Jane Oneiza, Joshua Garcia, at Loisa Andalio pero in denial naman ang tatlo, huh!
Unang naging close kasi sina Joshua at Loisa. Kaso, itong lalaki, may babaero factor kaya napalapit din kay Jane. Hindi naman pumalag si Jane at napokus pa sa kamera ang himasan nila ng buhok, huh!
Kaso, mahadero itong oldest housemate na si Ranty Portento. Close siya kay Joshua kaya naman pilit niyang idinidipensa ang lalaki sa pagiging malapit na kay Jane.
Eh, hindi maiwasang magkaroon ng ganyan sa Bahay ni Kuya dahil maraming araw din silang magkakasama pa. Paglabas nga naman nila, meron na silang ka-love team na magsisilbing bentahe kapag umakting na sila, huh!
Naku, kung si Ranty pa rin ang nasa listahan ng nominado para sa eviction, malamang na siya na ang magbabu ngayong Linggo, huh! Pakialamero rin kasi siya, ‘no?
Derrick naidura ang iniinom na tubig nang malamang may anak na si Sarah
Eksperimento lang ni Derrick MoÂnasÂterio ang pagpapatubo niya ng bigote at balbas para sa role niya sa The Half Sisters ng GMA. Wala naman daw kumontra kaya itinuloy niya ‘yon.
Feeling nga lang ng young actor, “Sumasabit ‘pag kumakain ako at umiinom ng water! Ha! Ha! Ha! Ang weird!â€
Bahagi rin daw ‘yon ng pagbabago niya ng image.
“Graduation image! Ha! Ha! Ha! Joke lang! Hindi. Siguro, mature-mature lang ng konti,†rason niya.
Gusto niyang mag-goodbye na sa pa-tweetum image. Katwiran niya, “Panahon na rin para lumebel up!â€
Lumebel up para sa babae?
“Babae agad? Hindi na po ako nambababae! Nanlalalaki na! Joke lang! Ha! Ha! Ha!†tugon ng young actor.
Napipikon ba siya ‘pag sinasabing malandi siya sa babae?
“Hindi naman po. Kasi medyo totoo naman dati! Ha! Ha! Ha! At some point, naging ganoon ako. Panahon para hindi mag-focus sa ganoon!†dahilan ni Derrick.
Siya nga pala, ano ang masasabi niya at may anak na si Sarah Lahbati na pinormahan niya dati?
“Napanood ko nga po ‘yon! Umiinom ako ng tubig! Nadura ko nga ang tubig! Ha! Ha! Ha! Joke lang!
“Masaya ako para sa kanya kasi…Kasi bagay naman sila. At nasa tamang edad na sila. Ako bata pa ako. Hindi puwede!†tugon niya.
“Actually, wala! Huwag na po. Ang daming recorder. Siguro, ayoko lang magkaanak pa dahil bata pa ako! mahal naman nila ang isa’t isa kaya wala na akong sey doon!†rason pa ni Derrick sa pagiging ina ni Sarah.
- Latest