Aktres walang napapala sa ka-loveteam!
May pagdududa na rin ang female celebrity na ito tungkol sa pagkalalaki ng male celebrity na matagal nang nali-link sa kanya.
Ilang tao na raw ang nagtatanong sa kanya kung “bading†ba ang male celebrity, wala naman daw siyang maisagot.
Ever since na nakilala ang dalawang ito sa isang show, hindi na raw natigil ang pagli-link sa kanila romantically.
Kahit na matagal na raw silang magkasama, never naman daw nag-attempt na ligawan siya or lagyan ng malisya ni male celebrity ang kanilang pagkakaibigan.
Ayon sa isang close sa female celebrity, hinihintay na lang daw nito na bastusin siya ng male celebrity para magkaalamanan na.
Kung hindi lang daw nakakahiya, matagal na niya sanang dinamba ang male celebrity at hinalik-halikan sa publiko. Pero mukhang papahiyain lang daw siya nito kapag ginawa niya iyon.
Pinagtataka rin ni female celebrity kung bakit walang lalaking barkada ang male celebrity. Tuwing magkakasama raw sila, ang lagi nitong nababanggit na barkada ay mga babae. Iniisip lang ni female celebrity na lapitin lang ito ng chicks.
“Eh hindi naman mukhang playboy—parang wala siyang karapatan na maging pilyo sa chicks, eh,†sey pa ng source namin.
“Kaya nagdududa na rin itong friend ko. Baka nga raw bading ito.
“Minsan nga lang siya ma-link sa isang lalaki, ang ending bakla pa pala.â€
Kaya si female celebrity ay nakiki-ride on na lang sa ginagawa nila ni male celebrity. Nakakapagpasaya naman daw sila ng mga tao kaya tiisin na lang niya ang ma-link sa isang bading.
Lance walang arte sa pagpapa-seksi
Kabilang sa bagong hunks na pinapirma sa GMA ay si Lance Serrano na unang nakilala bilang singing gym master sa segment ng Eat Bulaga na Gymeoke.
Sey nga ni Lance na naging malaking tulong sa kanya ang magandang exposure na iyon sa Eat Bulaga.
Lumabas na si Lance sa mga teleserye na Anna Liza at Galema sa ABS-CBN 2 at sa Mundo Mo’y Akin ng GMA 7.
Pinag-acting workshop na nga siya kasama ang ilan pang hunks na exclusive talents na rin ng Kapuso network na sina Rafa Siguion-Reyna, Vince Velasco, at Gab de Leon.
One Direction member nag-sorry sa paghithit ng marijuana ng dalawang kasama
Nagsalita na rin ang isang miyembro ng One Direction tungkol sa kumalat na video na humihithit ng marijuana ang dalawang members na sina Zayn Malik at Louis Tomlinson habang nasa loob sila ng isang kotse sa bansang Peru.
Ayon kay Liam Payne, marahil ay nakalimot daw ang dalawa sa responsibilidad nila bilang isang celebrity na hinahangaan ng maraming kabataan sa buong mundo.
“I love my boys and maybe things have gone a little sideways I apologize for that. We are only in our 20’s we all do stupid things at this age,†sey pa ni Payne sa kanyang Twitter account.
“We all have a lot of growing up to do in an extreme circumstance. I’m not making excuse but it’s fact we are gonna fall short somewhere.
“Hopefully we stand the test of time and get it right in the end I don’t take this for granted and I’m extremely grateful to be here doing this.
“Thank you to everyone who has stuck with us through this just know that we love you guys for it and it means the world.â€
Dahil sa nag-leak na video na iyon, kinakatakot ng mga humahawak sa career ng One Direction na baka maapektuhan nito ang kanilang kasalukuyang ginagawang world tour.
Kasama na ang Pilipinas sa pupuntahan ng 1D sa March 2015. As of press time, sold out na ang tickets para sa magaganap na concert ng 1D sa The Arena.
- Latest