^

Pang Movies

Kris swak na ambassadress para pahalagahan ng mga kabataan ang pagbabasa!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nakabibilib talaga si Kris Aquino, na kahit sobrang hectic ng kanyang schedule may time pa siyang magbasa ng libro na ikinukuwento niya sa kanyang show sa Kris TV ng ABS-CBN. At lagi rin niyang pino-post sa kanyang Instagram ang mga books na binabasa niya.

Sabi ni Kris sa kanyang show last Friday, wala raw kasi siyang artistic talent sa kanyang katawan, pero ang hilig niya ay ang magbasa ng books na marami siyang natutunan na siya naman niyang isini-share sa kanyang mga viewers.

Ngayong balik-eskuwela na ang mga estudyante sa pag-aaral, puwede sigurong i-feature sa isa sa segment ng kanyang show na Kris TV na iniikot naman niya ang mga public library sa buong bansa.

Tutal naman jackpot lahat ng mga nililibot niyang mga restaurants o resort na talagang dinarayo sa oras na pinuntahan niya o ini-endorse na niya. 

Sa lakas ng impluwensiya ni Kris, tiyak na makahahatak o makaeengganyo siya ng mga kabataan na magbasa ng libro. Lalo na ngayong usung-uso na ang social media at wala nang time o hilig ang mga estuyante na magbuklat ng mga libro.

Sana ay masilip man lang ng show ng Kris TV ang mga public library na ewan kung meron pa, dahil hindi naman ito ang priority na itayo sa bawat lugar. Pero for sure, maraming ideas si Kris na masa-suggest para makuha ang atensyon ng mga estudyante na magkaroon ng awareness ang mga ito sa kahalagahan ng pagbabasa ng libro tulad nang laging ikinukuwento ni Kris sa kanyang mga reading habits.

James wini-wish ng fans na magka-show sa GMA

Natupad ang wish ng mga fans ni James Reid na maging guest DJ ito sa MTV Pinoy ngayong buwan ng June.

Excited ang fans ni James na mapanood ang kanilang idolo ng regular sa TV at wish nila ay bigyan ito ng project sa GMA 7.

Habang wala pa siyang palabas, natutuwa ang kanyang fans na makita siya sa MTV Pinoy na swak naman si James dahil may talent siya sa singing at talagang may boses para masubukan din niya ang pagdi-DJ.   

Maraming nagsasabing puwede ang gwapong bagets na ipangtapat kay Daniel Padilla kahit milya-milya na ang layo nito kay James. Pero may ilalaban si James na bukod sa tisoy ay may boses, plus humble rin kaya malakas ang appeal sa girls.

Dapat din i-push ang mga kanta ni James sa radio station na in fairness ay may recall agad sa kanyang mga fans.

Samantala mapapanood siya ngayon sa Halo-Halo ng MTV Pinoy sa June 2-6, June 16-20, June 30 – July 4 4:00 p.m./7:30 p.m.; OPM Show -June 9-13, June 23-27, 6:30 p.m.; Pinoy Pop, Fridays, 6:00 p.m.; Shout Out - Saturdays, 11:00 a.m./6:00 p.m.; MTV Playlist Sundays- 1:30 p.m sa Sky Cable 71, Destiny Cable 47, at Cable Link.

 

vuukle comment

CABLE LINK

DANIEL PADILLA

DESTINY CABLE

JAMES

JAMES REID

KANYANG

PERO

PINOY

PINOY POP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with