^

Pang Movies

Marian walang patid ang blessing

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Todo na ang promotion ng Bench para sa newest brand ambassador nilang si Marian Rivera. Nakatutuwa na kahit ang Star Cinema ay nag-post nito.  At kahit ang schedule na pagtaas ng mga billboards ni Marian ay sa June 4 pa, in-advance na nila ito dahil Friday pa lamang, ay may isa nang itinaas na billboard ni Marian sa Guadalupe, Makati City.

Sumunod namang itinaas ang lahat ng billboards niya noong Sabado. Kahapon, Sunday, nakita na rin ang mga print ads niya sa mga store branches ng Bench.

Tomorrow, June 3, ang formal launch nila kay Marian.

But wait, balitang hindi lamang ito ang product na ii-endorse ni Marian sa Bench. May dalawa pa raw na very soon ay ilu-launch na rin nila, after      niyang bumalik from her Independence Day shows in the USA.

For all the blessings na tinatanggap niya, very thankful si Marian. At bilang pasasalamat bago sila nagsimulang mag-taping ng dance show niyang MARIAN last Friday sa Studio 7 ng GMA Network Annex, pina-bless nila ang stage na gagamitin sa show.  Sa direksyon ni Louie Ignacio, magpa-pilot telecast na sila sa June 22, 6:00 p.m., with special guests Batangas Governor Vilma Santos and Ms. Maricel Soriano.

Rocco aliw sa pag-amin ni Lovi

Natuwa si Rocco Nacino nang makita namin sa lobby ng GMA Network sa sinabi sa kanyang umamin na si Lovi Poe noong presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real na sila na ngang dalawa ngayon. Biro pa kay Rocco, siya siguro ang dahilan kaya lalong gumaganda at laging nakangiti si Lovi.  

Anyways, mamayang gabi na ang pilot episode ng drama series na pinagsasamahan nina Dingdong Dantes, Lovi at Ms. Maricel Soriano, pagkatapos ng Kambal Sirena. 

Wala pang maikuwento si Lovi tungkol sa pagtatrabaho niya with Maricel dahil wala pa silang eksena together

Pagkatapos mura-murahin ang ama, Maegan magpapayo ng tamang paggabay sa mga anak

Napansin nga ba si Maegan Aguilar pagkatapos niyang makipag-away sa kanyang amang si Freddie Aguilar?  Mamaya sa Mars hosted by Camille Prats and Suzi Entrata sa GMA News TV, 7:00 p.m., guests nila sina Maegan at Mosang na ang topic of discussion ay tungkol sa parenthood, na sesentro sa  Things You Don’t Say To Your Kids. Just wondering, ibabawal kaya ni Maegan sa kanyang anak ang mga sinabi niya against her father?  

 

 

 

vuukle comment

CAMILLE PRATS AND SUZI ENTRATA

DINGDONG DANTES

FREDDIE AGUILAR

INDEPENDENCE DAY

KAMBAL SIRENA

LOUIE IGNACIO

LOVI

MAEGAN

MS. MARICEL SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with