Version ng Maybe This Time ni Sarah milyun-milyon na ang nag-view sa YouTube
Jackpot na naman ang Star Cinema at Viva Films sa bagong movie ni Sarah Geronimo na Maybe This Time. Lalo pang patok, dahil si Coco Martin ang katambal nito na showing na ngayon sa mga sinehan.
In demand din ang theme song ng same title ng movie na Maybe This Time sa Youtube, na umabot na sa mahigit isang milyon ang views. Pati sa videoke ay binuhay din ni Sarah ang Maybe This Time at maraming nagandahan sa kanyang version. Akala mo kasi talagang siya ang original na kumanta dahil sa ganda ng version niya. Perfect pang maigsi ang kanyang buhok kaya fresh and pretty looking ang dating niya sa music video nila ni Coco.
Ngayon pa lang ay marami nang fans ang nagre-request na sana mapanood din sa Japan, Hong Kong, at maging sa New Zealand ang movie nina Sarah at Coco.
Pinipilahan ang pelikula nang magbukas ito sa mga sinehan kahapon.
Hindi naman nakapagtataka na magandang lumabas ang movie dahil nasa direksyon ito ni Jerry Lopez Sineneng. Pareho niyang nahugot ang husay nina Coco at Sarah.
Miyembro ng Salbakuta takot sa karayom?!
Kung tadtad ng tattoo ang mga rapper tulad nina Charlie Mack at Mad Killah ng Salbakuta na balak pang punuin ang kanilang katawan, kabaligtaran naman ito kay Bendeatha na isa ring miyembro ng Salbakuta, dahil kahit isang pinta ay wala ito sa kanyang balat.
Katwiran ni Bendeatha na kahit isang astig at sigang tulad niya ay hindi raw trip ang magpalagay ng tattoo sa katawan at pinagbawalan daw siya ng mommy niya kahit noon pa.
Kinantsawan naman siya nina Charlie at Mad Killah na takot lang daw sa karayom ang leader ng kanilang grupo.
Samantala ipinagmamalaki ni Charlie Mack na nagbagong buhay ang grupo nilang Salbakuta sa pagbabalik nila sa music scene sa album na S Rebirth, released by Homeworks Production. Promise ni Bendeatha na bumawi ang kanilang grupo sa mga kanta nila sa album, dahil nandun pa rin daw ang angas at bangis nila sa hatawan sa kantahan.
Samantala may pinagkakaabalahang RTW business si Charlie Mack sa Pavillion Laguna at si Bendeatha ay meron din mga T-shirt ng Salbakuta na ibinebenta sa kanyang RTW stores sa 2nd floor ng Yellow Lane Victory mall Monumento, Caloocan.
- Latest