^

Pang Movies

Drama actor malapit nang sumabog sa kasinungalingan ng ex-gf

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kating-kati na ang drama actor na ito na magsalita kung ano ang katotohanan kung bakit sila naghiwalay ng kanyang actress-girlfriend.

Pero pinapairal pa rin daw niya ang pagiging gentleman kaya tinitiis na lang niya ang mga nakararating sa kanyang mga chika ng kanyang ex-girlfriend.

Tila hindi pa rin daw maka-move on ang kanyang ex-GF dahil ilang mga kaibigan nila ang nagpaparating kay drama actor ng mga sinasabing hindi maganda ng ex-GF tungkol sa kanya.

Noong una ay okey lang kay drama actor dahil ganun daw talaga ang mangyayari. Pinabayaan na lang niyang magsalita ito nang kung anu-ano. Pero ang hindi matanggap ni drama actor na sa kanya sinisisi ang lahat ng pagkakamali sa relasyon nila.

Ayon pa nga raw sa drama actor, kung titimbangin, mas mabigat ang naging kasalanan ng kanyang ex-GF kaya nauwi sa hiwalayan ang samahan nila.

Noon pa sana gustong magsalita ni drama actor para malinaw ang lahat. Pero pinayuhan siya na huwag nang magsalita para hindi na humaba ang usapan.

Ngayon ay nagtitimpi na lang muna ang drama actor pero oras nga raw na mapikon na ito sa mga kinakalat na maling kuwento ng ex-GF niya, wala na raw makapipigil sa kanya kapag sinimulan na niyang magsalita.

Sabihin nang hindi siya gentleman, huwag lang siya ang lalabas na sinungaling.

Pagiging tibo ni Sheryn Regis ibinuko ng karelasyong niloko raw sa Amerika

Tahimik pa rin ang singer na si Sheryn Regis pagkatapos lumabas ang revelation ng businesswoman na si Emy Madrigal tungkol sa kanilang naging relasyon.

Ayon pa sa interview ni Emy, si Sheryn ang nanligaw sa kanya noong 2005 pa. Naging official silang magdyowa noong 2011 lamang.

Noong panahong nanligaw daw si Sheryn sa kanya, hiwalay siya sa kanyang asawa at may dalawa silang anak. Ang singer nga raw ang nagpasaya sa kanya noong panahon na malungkot siya.

Marami nga ring naikuwento si Sheryn kay Emy tungkol sa naging buhay nito sa Amerika.

Ayon nga raw kay Sheryn, hindi maganda ang buhay niya roon dahil siya raw ang breadwinner. Wala raw trabaho ang kanyang mister at sa isang private school nag-aaral ang anak nila.

Hindi naman daw siya madalas kunin para mag-show ng TFC (The Filipino Channel) kaya financially ay hirap daw sila.

Kaya naman naging generous si Emy kay Sheryn dahil naawa siya sa sitwasyon nito sa Amerika. Lahat nga raw ng hilingin ni Sheryn ay binibigay niya.

Pero ang hindi lang daw nagustuhan ni Emy sa relasyon niya kay Sheryn ay bigla na lang daw itong hindi nakikipag-communicate kapag nakuha na nito ang mga hiniling sa kanya.

Nalaman na nga lang daw ni Emy na may iba pa palang babae si Sheryn na karelasyon at sa bahay nga raw ng babaeng ito sila nakatira ng kanyang pamilya.

Dito na nga raw sa Pilipinas sila nag-abot ni Sheryn pagkatapos ng ilang buwan na hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Ang masama pa raw ay hinamon raw ni Sheryn si Emy na ilabas nito ang tungkol sa kanyang pagkatao at hindi raw ito natatakot.

Para kay Emy ay mabuti na ‘yung ilantad na ni Sheryn kung ano siya para maging masaya na ito sa kanyang buhay.

Handa naman daw si Emy kung sakaling i-deny ni Sheryn ang naging relasyon nila. Basta siya ay maraming pruweba na magpapatunay na nagmahalan sila nito.

Katherine McPhee nakipaghiwalay sa mister

Nag-file na ng divorce ang aktres at American Idol runner-up na si Katherine McPhee mula sa kanyang mister na si Nick Cokas.

Anim na taon silang kasal pero wala silang naging anak sa kanilang pagsasama.

Nagsimula ang marital problem ng estranged couple noong nakaraang taon nang mahuli nga ng paparazzi si McPhee na nakikipaghalikan sa director nito sa series na Smash na si Michael Morris. Married si Morris sa actress na si Mary McCormack. 

Nag-reconcile si McPhee at Cokas noong nakaraang March at nagsimula na sila ng couple’s counseling. Pero nauwi pa rin ang lahat sa pag-file ni McPhee ng divorce.

Kasalukuyang nagtatrabaho sa upcoming CBS series na Scorpion si McPhee kaya hindi siya available for comment.

vuukle comment

AMERIKA

DAW

EMY

KANYANG

PERO

RAW

SHERYN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with