Trabaho dinededma, aktor inuubos ang lakas sa girlfriend!
May katigasan talaga ng ulo ang young actor na ito kapag nai-in love.
Hindi raw siya mahagilap ng kanyang manager kapag may mga trabahong pumapasok at siya ang gusto, pero missing in action ito dahil parating kasama ang kinababaliwang babae.
Matagal na raw problema ng manager na ito ang ugaling ganyan ng young actor. Kapag wala itong girlfriend, madali raw makausap at kahit na anong trabaho ay tatanggapin.
Pero kapag may kinahuhumalingang babae, halos ‘di na ito nakikipag-communicate at panay na lang ang tambay nito sa bahay ng babae.
Kaya ang manager, ayaw nang makialam at sa road manager na lang niya ito ihinahabilin dahil mai-stress lang daw ito sa katigasan ng ulo ng young actor.
“Ganyan ang ugali ng batang ‘yan. Kapag walang girlfriend, masigasig sa trabaho. Nangungulit kung ano ang work na maibibigay ko sa linggong ito. Atat magtrabaho talaga.
“Pero nitong mga nakaraang linggo, napansin ko na hindi tumatawag at nangungulit. Nalaman ko ay may kinalolokohang babae na pala. Hayun nagbababad sa bahay ng syota niya! Parang baliw na naman!†talak ng road manager nito.
May mga pumasok na mga events na gustong kunin ang young actor. Pero dedma ito sa mga tawag ng manager kahit na naka-specify ang talent fee na matatanggap niya sa event.
“Kakalokah kasi may mga ibibigay akong mga raket sa kanya na out-of-town, pero hindi sumasagot. Mukhang hindi interesado. Kaya sorry na lang siya at sa iba ko na lang ibinigay.
“Yan pa naman, gusto niyang malaman kung magkano ang kikitain niya parati. Hayan at naibigay ko na. Triple pa sa inaasahan niya. Pero dedma ang luku-loko. Kaya bahala siya, wala siyang raket.â€
Imbes na nakatulong ang pagkakaroon ng girlfriend ni young actor sa career nito, mas lalo pa raw nagiging problema dahil hindi raw siya maaasahan kapag in-love.
“Ewan ko ba kung bakit kailangan mabaliw sa pag-ibig? Ano ang ginagawa nila araw-araw maliban sa mag-sex sila? Magtitigan sila buong araw? Magbantay sa isa’t isa? Jusko hindi productive! Pampalugi ng negosyo ang batang ‘yan!
“Sana kung bawat dyug niya sa babaeng iyon, eh binabayaran siya. Kaso hindi at matutuyot lang siya sa sobrang pagkahumaling niya sa babaeng ‘yan!†pagtatapos na talak ng kausap naming road manager.
Kahit matagal nang patay, artistang si Weng Weng sikat pa rin sa France
Usap-usapan ngayon sa ginaganap na Cannes International Film Festival ang documentary film na The Search For Weng Weng na idinirek ng Australian film maker na si Andrew Leavold.
Ang naturang documentary ay tungkol sa little martial artist and action star ng Pilipinas na nakilala bilang si Weng Weng at sumikat noong early ‘80s.
Nagkaroon ito ng world premiere sa UP Film Center noong November 2013 at noong nakaraang Tuesday (May 20) ay nagkaroon ito ng market screening sa Cannes.
“We hope to sell the film to potential distributors here at Cannes,†sey pa ni Leavold. So far, there is an offer on the table from an American distributor as well as some potential European sales.â€
Sa mga hindi nakaaalam ay nagkaroon ng cult following si Weng Weng sa France noong una siyang nakitang naglakad sa red carpet ng Cannes in 1982. Pino-promote niya ang kanyang pelikula na For Y’ur Height Only kasama ang kanyang mga producers na sina Pete and Cora Caballes ng Liliw Productions.
“People here in Cannes have told me Weng Weng is still a huge cult figure in France. There’s a lot of love around our movie everywhere we show it, audiences don’t just love the film, they loved it!†sey pa ni Leavold.
Sunud-sunod na ang screening sa iba’t ibang bansa ang naturang documentary sa buhay ni Weng Weng. Nagkaroon na ito ng screening sa Australia last March at may three-month European tour pa kung saan kasama ang Udine Film Festival for Popular Asian Cinema in Italy.
“After Cannes, we’re off to London for the Terracotta Far East Film Festival and then at the Sheffield Documentary Film Festival followed by a Moving Kino screening in Berlin on June 11. I’m also re-introducing Weng Weng’s The Impossible Kid dubbed in French in Paris and then we’ll go to Copenhagen and then onto another Far East film festival near Barcelona,†sey pa ni Leavold.
Sa July or August baka magkaroon muli ng screening sa Pilipinas ang The Search for Weng Weng.
Ernesto dela Cruz ang tunay na pangalan ni Weng Weng. Pinangak ito sa Baclaran noong September 7, 1957 at sumakabilang-buhay ito sa edad na 34 sanhi ng isang heart attack noong August 29, 1992.
Nakasama si Weng Weng sa Guinness Book of World Records as “the shortest adult actor in a leading role.â€
Nakilala siya sa kanyang character na Secret Agent 00 sa mga pelikulang For Y’ur Height Only at The Impossible Kid. Nagbida rin siya sa western action na D’Wild Wild Weng at sa ibang pelikula tulad ng The Cute, The Tiny and the Sexy, Da Best In The West, The Quick Brown Fox and Legs, Katawan, Babae.
Mga naging leading ladies niya sina Carmi Martin, Yehlen Catral, Nina Sara, at Pia Moran. Nakasama naman niya sa pelikula sina Dolphy, Lito Lapid, Dante Varona, Ramon Zamora, at The Hagibis.
Lea Michele nagpapa-intriga para mabenta ang libro
Inamin ng Glee star na si Lea Michele sa kanyang kalalabas lang na libro titled, Brunette Ambition na nag-date sila noon ng kanyang Glee co-star na si Matthew Morrison bago pa niya nakilala si Cory Monteith.
Ayon sa libro, magkakilala na sina Lea at Matthew noong mga panahon na lumabas sila sa mga Broadway musicals. Nagkataon lang daw na after a long time ay magkakasama pala sila sa series na Glee.
“When we shot the pilot, I met Cory Monteith, Kevin McHale, Amber Riley, and Chris Colfer for the first time.
“I had worked on Broadway with Jenna Ushkowitz and Matthew Morrison before. Matt had been a friend of mine for years, and in fact we’d actually dated back in the day for a Broadway beat,†pag-reveal pa ni Lea.
Maraming critics ang nagsasabi na isang paraan daw ang pag-amin na nag-date sina Lea at Matthew para mabilis mabenta at magkainteres ang maraming tao sa libro.
- Latest