^

Pang Movies

Anak na one year old daw ni Ka Freddie nakakaladkad na rin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Siguro nga by now, medyo disappointed na si Freddie Aguilar o si Abdul Farid na si­yang pangalang dapat ay ginagamit niya ngayon matapos niyang sumapi sa Islam, sa mga iti­nuturing niyang kaibigan niya sa media. Kasi hin­di siya pinagtatakpan ng mga iyon kung ‘di pa­tuloy na inilalabas ang mga sinasabi laban sa kanya ng anak na si Maegan. Karamihan sa mga iyon, mga dati niyang kaibigan na panay ang puri sa kanya at mga “istambay sa kanyang bar.”

Pero ganoon talaga ang buhay sa media. Hindi puwede rito ang may mga sacred cows. Kung ano ang issue tiyak tatalakayin iyan. Walang ma­kapipigil diyan kahit na anong impluwensiya at pera pa ang gamitin nila, mahirap pigilan ang media. Lalabas at lalabas pa rin ang tunay na issues. Hindi kasi puwedeng magpabaya ang media, dahil oras na manahimik ang press, at umarangkada ang issue sa social networking sites, aba eh nakakahiya naman yata iyon. Lately may mga nangyayaring ganyan. May mga issues na pilit na pinipigilan ng ilang maimpluwensiya, gamit ang pera at lahat na. Pero sumingaw pa rin ang totoo.

Sa kaso ni Freddie Aguilar, lumalabas na ang lahat. Sinamahan pa ng GMA 7 ang anak niyang si Maegan habang naghahanap ng malilipatang bahay matapos na diumano palayasin niya  pati na ang kanyang mga apo. Lumabas na naman tuloy ang isa pang kuwento. Bago pala pinakasalan ni Freddie ang kanyang girlfriend na menor de edad, nabuntis din niya ang receptionist nila sa kanyang bar, at ngayon ay mag-iisang taon na nga ang bata.

Lumabas na rin ang statement ng kanyang kapatid na si Marlene Aguilar Pollard, iyong nanay ni Jayson Ivler. Kampi rin si Marlene, na isang multi-awarded writer and publisher sa kanyang pamangking si Maegan, at para pang sinabing hindi siya naniniwalang magtatagal ang relasyon ng kanyang kapatid sa asawang menor de edad. Bakit nga ba hindi niya sasabihin iyon, eh ilang beses na rin namang nag-asawa iyang si Freddie.

May nagbulong sa amin, talaga raw disappointed si Freddie Aguilar sa nangyayari ngayon sa media, pero ganoon talaga eh. Hindi mo maitatago ang kahit na anong issue ngayon. Hindi na nagagawa iyan kagaya noong araw.

Raymart matagal nang nakapag-piyansa

Para namang malaking issue ang paglalabas ng korte ng warrant of arrest laban kay Raymart Santiago. Natural lang naman na basta may kaso, magpapalabas ang korte ng warrant. Pero matagal nang nakapag-piyansa si Raymart. Hindi problema iyan sa may mga pampiyansa. Lahat naman talaga ng may kaso ay ipinawa-warrant.

Ang mabigat lang ay kung ang kaso mo non-bai­lable, o ibig sabihin may hatol na mabigat kung guilty ka, at hindi ka na pinapayagan ng korte na ma­kapaglagak ng piyansa.

Happy birthday Santo Padre Pio

Naalala lang namin, May 25 nang isilang si Fran­cesco Forgione, na ngayon ay lalong kilala sa tawag sa kanyang Santo Padre Pio. Iyan ang birth­day niya. Ang birthday ng isang santo ay hindi na karaniwang ipinagdiriwang, dahil ang kanilang pista ay itinatakda sa petsa kasunod ng kanilang kama­tayan, kasi nga “last day on earth, first day in heaven” ang paniwala. Pero para sa mga deboto ni Padre Pio, ipinapaalala lang po namin ang birthday niya.

 

ABDUL FARID

FREDDIE AGUILAR

KANYANG

MAEGAN

PERO

SANTO PADRE PIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with