Lagari talaga, Marian pumayag na ring mag-Eat Bulaga
Walang kapaguran ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera. Ngayong libre na siya sa taping ng drama series niyang Carmela, nagkaroon na siya ng chance na matanggap ang offer ng Eat Bulaga to be one of their hosts.
Pero hindi nangangako si Marian na daily siyang mapapanood sa number one noontime show, iyon ay kung puwede lamang siya dahil may bago siyang dance-musical show sa GMA, ang MARIAN, na kailangan ang mahabang oras ng rehearsals bago ang actual taping.
May mga naka-schedule na rin siyang regional shows like ang Freedom Concert tour nila sa Los Angeles at San Francisco, California sa June 13 and 14, plus magsisimula na rin siyang mag-shooting ng bagong movie sa Regal Entertainment, Inc.
First day ni Marian sa Eat Bulaga ay kasama siya nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros, sa segment ng Juan for All All for Juan sa Brgy. Gitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.
Siya rin ang unang gumamit ng bagong set ng segment sa studio at sa location na kanilang pinuntahan.
Hindi kinalimutan ni Marian na magpasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa loob ng four months ng Carmela na, bukas, May 23, ang grand finale.
Eric gusto na uling umarte
Balik-trabaho na si Direk Eric Quizon at balik-Kapamilya na siya at sa una niyang project sa ABS-CBN, ididirek muna niya ang isang episode ng drama anthology na Ipaglaban Mo, na mapapanood once a week.
Pero hindi lamang pagdidirek ang gusto ni Eric, gusto rin niyang balikan ang pag-arte. Sa ilang taon kasing nasa TV5 siya, pagdidirek ang ginawa niya, kaya nami-miss na rin niya ang acting, sa movie man o TV. After mag-expire ng contract niya sa TV5, nagbakasyon muna si Direk Eric sa mom niya sa Los Angeles, California at inayos ang businesses niya sa Hong Kong bago siya nakipag-meeting with his manager, Dolor Guevarra at sa mga executive ng ABS-CBN.
Bitin daw kasi, BEH hinihiritan na pahabain
Ginawa nang live ang morning daily show na Basta Every Day Happy (BEH), every 11:00 a.m. sa GMA7, sa direksyon ni Louie Ignacio.
Naging very successful ang first week ng talk program/musical show hosted by Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro. Maraming nagri-request kung puwedeng dagdagan ang oras nila dahil totoo namang nakaaaliw at bitin ang show lalo.
- Latest