Mike Enriquez magde-demanda?!
Inamin din ni Mike Enriquez na nagalit nang lumabas sa isang diyaryo na siya diumano ay kasama sa mga media men na may natanggap na payola/regalo mula sa pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles. Sinabi nang sumulat na ang kanyang batayan ay ang record diumano ng whistle blower na si Benhur Luy, na naiwan sa kanyang computer at ibinigay ng magulang at abogado sa isang pahayagan.
Bukod kay Mike, sinasabing tumanggap din ng lagay si Korina Sanchez ganoon din ang iba pang media men. Lumalabas sa kanilang report na paÂlaÂging nagbibigay ng lagay si Napoles sa media, at marami rin siyang ginagamit na mga tao para maÂgawa niya iyon.
Sa kaso nina Mike at Korina, na sinasabing tumanggap ng limampung libong piso bawa’t isa bilang birthday gift ay sinasabing pinadaan kay Mon Arroyo, na dating director noong araw ng programang Mel and Jay.
Sinabi ni Mike na kilala niya si Mon Arroyo noong araw pa, pero kung ilang dekada na rin silang hindi nagkikita. Pero mabilis namang nakapagbigay din ng statement si Arroyo at sinabing hindi totoong binigyan niya ng pera si Mike, bagama’t inaÂmin niya na minsan ay naging consultant din siya ng isang kumpanya ni Napoles.
Sinabi rin naman ng GMA7 na hindi sila naniniwala na sangkot nga ang kanilang senior newscaster sa payola, at idinugtong pang susuportahan nila iyon. In the meantime, sinabi naman ni Enriquez na kukunsulta siya sa kanyang abogado para malaman kung ano’ng aksiyon ang maaari niyang gawin sa nakasisirang istoryang iyon.
Sinabi rin ni Mike na hindi niya nakikilala nang personal si Napoles o sino mang kaanak nito.
Putukan sa likod ng bahay inimbento lang ni Claudine?
Matindi ang naging interview ni Raymart Santiago sa Channel 7, lalo na doon sa bintang na may nagpaputok daw ng baril sa likod ng bahay ni Claudine. Sinabi nga ni Raymart na hindi siya itinuturo pero sa tono nang pananalita, siya ang pinagbibintangang gumawa noon.
May isiningit din silang related interviews, iyong isa ay sa abogado ni Claudine na si Ferdinand Topacio, na iginiit na mayroon nga raw nagpaputok ng baril at naka-report iyon sa pulisya. Sinabi pa niyang imposibÂleng makapagtanong si RayÂmart sa security ng subdivision dahil hindi naman siya kakausapin ng mga iyon dahil hindi na siya residente doon.
Pero may interview ang Channel 7 sa security officers ng subdivision na nagsaÂbing walang incident report sa kanila ng pamamaril. May interview din sila sa baÂrangay officials na nagsabing walang ganoong insidente sa kanilang nasasakupan, at imposibleng hindi nila malaman kung mayroon. May interview din sila sa pulisya na nagsabing walang nai-report na anumang pagpapaputok ng baril sa lugar na iyon.
Kaya mukhang malabo nga yata ang statement ni Claudine.
Ang gusto lang namang malaman ni Raymart, ano ba talaga ang gustong palabasin ni Claudine?
Poging model loyal sa GF, kontrobersiyal na aktres supalpal!
Hindi naman pala ang poging model na sinasabing target niya ngayon ang talagang gusto ng kontrobersiÂyal na female star kung ‘di isang Pinoy na male model. Kahit daw alam niyang may girlfriend na iyon, sinasabi pa ng female star na kaya niyang sulutin ang poging model. Pero napahiya siya, dahil first move pa lang niya sa poging pinoy model, diretsahan nang sinabi na hindi siya type ng lalaki.
- Latest