Pero uunahin muna ang kasal, Luis planado na ang pagkandidato sa 2016
Aminado si Luis Manzano na pinag-iisipan niya ang pagpasok sa pulitika sa 2016 elections. Mas pinag-uusapan na raw nila ito ngayon at bukas din ang kanyang isipan para rito.
Matatandaan noong nakaraang eleksyon pa maingay na tatakbo si Luis sa Batangas na siyang pinamumunuan ng kanyang inang si Gov. Vilma Santos.
Pero hindi pa siya ready ng mga panahong iyon kaya hindi muna siya sumabak.
“Mas pinag-uusapan na namin ngayon,†say ni Luis nang makatsikahan ng press sa presscon ng The Voice Kids kung saan siya ang host.
“Mas nati-tickle ‘yung curiosity ko. Siguro, this coÂming months, siguro I’ll sit down with people close to me and ask for formal advice na,†say niya.
“Kung baga sa ano, bukas na ‘yung kalahati ng pinto,†dagÂdag pa niya.
Dati ay nabalitang Mayor ang tatakbuhin niya pero say niya, wala pa raw kasiguraduhan kung anon’g posisyon.
“Wala pa, wala pa, no idea, honestly,†he said.
When asked kung ano ba ang mauuna – kasal o politics – and he said, “sana, kasalâ€.
So, kung 2016 ang elections, 2015 ang kasal, ganu’n ba ‘yun?
“Sana, tingnan po natin,†say niya.
Aminado, Boy may natutunan sa naging kontrobersyal na interbyu kay Wowie
Naging kontrobersyal lately at umani nang hindi magagandang komento sa social media ang tanong ni Boy Abunda kay Wowie de Guzman nang interbyuhin nila ang nabiyudong aktor sa Buzz ng Bayan some three weeks ago.
Nakausap namin si Kuya Boy last Thursday night hinggil dito at maging siya ay sumasang-ayon na insensitive nga ang tanong.
Ang first question ni Kuya Boy kay Wowie was: “May mga usap-usapan sa social media, pinakita nila sa akin ang thread na nagsasabing pa-interview ka nang pa-interview kasi gusto mong magbalik sa industriya.â€
Ayon kay Kuya Boy, after the show ay nag-text si Gladys Reyes sa kanya at napakagalang daw ng pagkaka-text.
“Ang kanyang text message, hindi ko na maaalala eksakto, nagsasabi na nasaktan siya at ang kanyang mga kaibigan pati si Wowie, specifically du’n sa una kong tanong.
“Pero I give it to Gladys, napakagalang ng pagka-text. ‘Yung ‘nasaktan ho kami dahil sa nabulaga kami du’n sa unang tanong which we felt was insensitive’. Hindi ‘yung, ‘napaka-insensitive mo naman, Kuya Boy’, hindi.
“Let’s give credit to her. Napakagalang ng kanyang pag-express ng disgusto doon sa paniniwala niya na insensitive ang unang tanong.
“I really felt that the first question was insensitive. Sinagot ko si Gladys, nagpaliwanag ako. Sabi ko, “I take full responsibility, I apologize if I hurt you, if I hurt Wowie, if I hurt your friends. Pero gusto ko lang malaman mo that the question was not in the original questionnaire.â€
Kuwento ni Kuya Boy, before the show ay may meeting sila at nagkaroon ng briefing sa mga questions. Wala sa briefing ang nasabing tanong.
Maya-maya ay nilapitan raw siya ng head writer na si Mark at ipinakita sa kanya ang thread na may mga komento nga raw tungkol sa pagpapa-interview ni Wowie dahil gusto umanong magbalik.
Magalang naman daw ang tanong ni Mark kung puwede niya itong itanong kay Wowie and he said, “Mark, napaka-insensitive naman ng tanong na ‘yan’. Unang-una, inimbita n’yo, pumayag. PangaÂlawa, nandiyan na live. I mean, I don’t think that’s proper.
“Pero kung ang intent mo is for him to be able to address that dahil meron sa thread na nagsasabi na nagpapa-interview siya, eto ang kundisyon ko, puntahan n’yo sa dressing room ngayon (si Wowie), tanungin n’yo. Kung pumayag, okay. ‘Pag hindi pumayag, ayoko.
“Pumunta sila, tinanong, tinulungan pa si Wowie kung ano ang konstekto ng tanong para maintindihan niya, kung papayag siya, papayag ako. That’s the background. I shared that story to Gladys.
“In fairness to Gladys, bumalik siya ng text, “maraming salamat po Kuya Boy sa inyong pang-unawa sa sakit na nararamdaman namin’. End of story. That’s the whole story.
“Footnote to this story, sa tagal ko nang nag-iinterbyu, hindi ako natatakot magkamali ‘coz nobody’s perfect, I’m always willing lalo na kapag kasalanan ko, to apologize.
“At saka hindi ako ‘yung ‘siya kasi’, I always take full responsibility. Magpapaliwanag lang ako ng kaunti because it’s important to note na alam ni Wowie,†pahayag ni Kuya Boy.
Naging leksyon din daw sa King of Talk ang nangyari na hindi lahat nang makatwiran ay pwedeng itanong. Kahit pumayag daw si Wowie, he felt that he shouldn’t have done that.
“Kahit nagpaalam sila kay Wowie, I should have followed my instinct na insensitive ang tanong,†he said.
- Latest