Ate Vi walang napiling script ni Direk Brillante Mendoza
MANILA, Philippines - Nominated for Best Actress si Gov. Vilma Santos sa darating na Urian Awards sa Hunyo. Makakalaban niya ang ilan sa pinakamabibgat na aktres gaya nina Nora Aunor (Ang Kuwento ni Mabuti), Cherie Gil (Sonata), at Lorna Tolenitono (Burgos).
Si Vilma ay nominated para sa Ekstra, ang kauna-unahan niyang indie film directed by Adolf B. Alix, Jr. Suporta lang niya sina Marian Rivera at Piolo Pascual.
Dahil sa tagumpay ng Ekstra, gusto pang pagawin ng pelikula si Ate Vi. Marami ring indie film offers sa kanya at hinihintay lang siya ng Star Cinema kung kailan siya puwedeng gumawa ng pelikula sa kanila, isang comedy at isang drama. Si Brillante Mendoza ay isang direktor na masigasig na kunin si Vilma sa gagawin niyang pelikula. Para makasiguro, pinuntahan pa nga siya ni Direk sa Batangas capitol dala ang ilang scripts na puwede niyang magustuhan. Pero mukhang may problema sa oras si Ate Vi. Kung gagawa kasi siya nang project, gusto niya ay maluwag ang iskedyul niya sa kanyang siyudad na nasasakupan.
- Latest