^

Pang Movies

Sarah naghakot na naman ng awards!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pinakyaw ni Sarah Geronimo ang major awards sa 45th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Tatlong major awards ang nasungkit ng Viva superstar - Box Office Queen para sa pelikulang It Takes a Man and a Woman (declared box office king ang ka-partner niyang si John Lloyd Cruz); Female Concert Performer para sa Perfect 10 at Female Recording Artist of the Year para naman sa album niyang Expressions.

For the record, ito ang pangatlong Box Office Queen award ng Pop star Royalty.

Gaganapin ang awards night ng Guiller­mo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa May 18, Sunday, sa Solaire Resorts and Casino.

Showing na sa last week nitong buwan ang pelikula ni Sarah with Coco Martin na inaabangan na ng fans, ang Maybe This Time.

Excited si Sarah sa pelikula dahil ito ang unang pagtatambal nila ni Coco sa big screen. Pero matatandaang nagkatrabaho na sila noon sa musical seryeng Idol.

Meron din siyang naka-line up na major concert at new albums bukod pa sa tambak niyang endorsements.

Chloe itinodo na ang paghuhubad sa magazine

Ang dalawang Viva Artists Agency (VAA) ta­lents na sina Ashley Rivera and Chloe Dauden ang magkasunod na cover ng FHM Magazine for April and May issue.

Si Ashley na cover for April issue ay sumikat sa Internet at mas kilala sa tawag na Petra Mahalimuyak. For two years now, ay hit na hit sa YouTube ang kanyang mga nakatutuwang videos na karamihan ay parodies.

Dahil dito ay nagkainteres ang Viva sa kanya at kinuha siyang contract star. Ani Ashley ay gusto rin naman niyang lumawak ang kanyang horizon kaya pumayag siyang mag-join sa showbiz.

Sa kasalukuyan ay may sarili nang show si Ashley sa Viva TV, ang Dobol or Samting kung saan ay hosts sila ni Fabio Ide.

Si Chloe naman ay may puhunan na talaga bilang celebrity dahil dati siyang beauty queen. She was 2012 Miss World-Philippines’ Second Princess at bago ito ay naging suitcase girl siya sa Deal or No Deal.

Si Chloe ang cover ng FHM May issue at na-shock kami dahil very revealing ang kanyang pictorial kung saan ay walang takot siyang nagpakita ng kanyang pwet.

Ani Chloe ay hindi naman naging mahirap ang pag-convince sa kanya sa nasabing super-sexy pictorial dahil pangatlong beses na raw niya ito for FHM at tiwala raw siya na aalagaan siya ng photo­grapher and staff.

Besides, nang makita raw niya ang pegs, okay naman daw lahat at nakita naman daw niyang kaya niya.

In the future, gusto ring ma-try ni Chloe ang acting at ang gusto raw niyang genre ay drama.

Gellie tuloy ang pagya-yaya sa mga anak

Enjoy na enjoy si Gelli de Belen sa kanyang tawa-seryeng Confessions of a Torpe with Alice Dixson and Ogie Alcasid na napapanood weeknights sa primetime slot ng TV5, dahil bukod sa maganda ang samahan nila ay hindi pa siya hirap dahil light lang ang kanyang role bilang isang babaeng nerd na umiibig sa karakter ni Ogie.

Mas gusto rin niya ang role lately dahil nag-transform na siya at gumanda na, kaya sa kuwento ay nalilito si Ogie kung sino sa kanila ni Monique (Alice) ang dapat piliin.

Kahit tumatanggap ng mga TV projects si Gelli, she makes it a point na hindi niya mapababayaan ang asawang si Ariel Rivera at ang kanilang mga anak.

Say nga niya, everyday daw ay nakakapag-bonding pa rin sila since hindi naman daw siya tumatanggap ng maraming projects.

“Ang maganda pa, parating natitiyempo na kapag ako ang busy, si Ariel ang may time like matatapos ‘yung serye niya, ganyan. ‘Pag siya naman ang busy, ako naman ang walang project. Madalas na natitiyempong ganu’n kaya mas okay para sa amin,” she said.

vuukle comment

ALICE DIXSON AND OGIE ALCASID

ANI ASHLEY

ANI CHLOE

APRIL AND MAY

BOX OFFICE QUEEN

DAHIL

NAMAN

SI CHLOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with