^

Pang Movies

Aktres na laos nabubuhay pa rin sa ilusyon, nagpapanggap na malinis

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Wa effect na sa readers ang mga pahayag ng aktres na nagpapanggap na righteous.

Ang ibang tao ang sinisisi ng LaOcean Deep na aktres pagbagsak ng kanyang career.

Hindi niya maamin na nalaos siya dahil sa kanyang bisyo na masama. Nabubuhay sa ilusyon ang aktres na nagpapanggap na siya ang magaling, huwaran at walang bahid ng kasalanan. Hmp!

Martin dusa sa leather jacket

Kesehodang mainit ang panahon, leather jacket ang ipinasuot kay Martin del Rosario sa unang araw ng taping niya sa Rhodora X.

Naligo si Martin sa sariling pawis pero hindi siya naringgan ng reklamo.

 Enjoy na enjoy pa nga siya sa mga ipinagawa sa kanya ng direktor ng Rhodora X.

Mysterious protector ng karakter ni Yasmien Kurdi ang role ni Martin sa Rhodora X.

Happy birthday Jun and Aster…

Dalawang kasamahan sa hanap buhay ang nagdiriwang ngayon ng birthday, sina Jun Lalin at Aster Amoyo.

Si Jun ang publicist ng Cosmo Cee, ang Vitamin C na ipino-promote ng magkapatid na David at Anthony Semerad.

Si Jun ang nagbuking na mahina ang memorya ng kambal dahil hindi nila natatandaan ang mga tao na nakakasalamuha nila.

Apologetic ang kambal na inamin ang kahinaan nila. Hindi raw madali sa kanila na i-memorize ang mukha at pangalan ng mga nakakahalubilo na showbiz personality at reporter.

Aktres consistent sa pagiging pa-know it all

Nilait- lait ang aktres na umapir sa opening night ng art exhibit ni Heart Evangelista sa Artist Space ng Ayala Museum noong Huwebes.

Feeling star kasi ang aktres na mayabang pero starlet ang kategorya.

Hindi natin masisisi ang mga lumait sa aktres dahil saksi ako sa kayabangan niya at pa-know it all attitude. No wonder, hiniwalayan siya ng kanyang ex-boyfriend na aktor.

Benjamin kinabubuwisitan ng fans nina Mark at Jennylyn

Pinagbibintangan si Benjamin Alves na ginagamit niya si Jennylyn Mercado sa publicity.

Ang sabi ng fans, napapansin nila na parang nag-e-enjoy si Benjamin na nali-link siya kay Jennylyn eh ito mismo ang nagsabi na hindi siya nililigawan ng pamangkin ni Piolo Pascual.

In fairness kay Benjamin, sinagot lang niya ang mga tanong ng press. Gentleman ang pagkakakilala ko kay Benjamin at hindi ang tipo niya ang mangga­gamit ng kapwa artista para maging talk of the town.

Baka nagseselos lang kay Benjamin ang fans na hoping na si Mark Herras pa rin ang makakatulu­yan ni Jennylyn.Ganyan kaseloso ang fans nina Mark at Jennylyn.

 

vuukle comment

AKTRES

ANTHONY SEMERAD

ARTIST SPACE

ASTER AMOYO

JENNYLYN

RHODORA X

SI JUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with