^

Pang Movies

Carla at Tom hindi kinapitan ng katamaran

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagulat kami nang maagang-maaga pa ay nakita na namin sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na nagpo-promote ng kanilang pelikulang So It’s You sa Unang Hirit.

Ka-jamming na nila ang mga host na sina Arnold Cla­vio at Susie Abrera. Bihira sa mga artista ang nagigising ng ganyan kaaga, maliban na lang kung hindi pa sila natutulog at galing sa taping. Pero iyong da­lawa, mukha namang nakatulog na nang mahimbing, kahit na nga kung iisipin mo, the night before ay galing pa sila sa premiere night ng kanilang pelikula.

Iyang ganyang attitude ng mga artista, at iyang ganyang pagsisikap na mai-promote ang kanilang pelikula ang matagal na naming hindi nakikita. Kasi nga sa ngayon, karamihan naman sa mga pelikula binabarat ang production cost at halos walang promotional budget. Sinasabi man nilang malaking pelikula, ang treatment nila parang indie na rin.

Parang inililihim ang ginagawa nilang pelikula. Mababasa mo lang sa internet, eh ilan lang naman ang nakakapag-internet, lalo na ngayong mabubuwisit ka sa kabagalan ng Internet service. Kaya ang nangyayari, aba nailalabas ang mga pelikula nang hindi namamalayan ng mga fans. Hindi kumikita ang mga pelikula nila. Pero kung iyong pelikula properly promoted, kumikita. Ito ang advantage ng mga pelikulang ang producers ay ang mismong may ari ng TV networks. Pero sabihin ninyo sa amin, anong TV show ang tatanggi kung sasabihin mo halimbawa na ang mga sikat na artistang kagaya nina Carla at Tom ang magiging guest para sa promo?

Ang totoo tamad din kasi iyong ibang mga sikat na artista. Ang katuwiran nila binabayaran sila para umarte, walang bayad ang promo. Iyon namang masipag sa promo na mga baguhan, hindi naman sikat kaya tinatanggihan ng mga TV shows. Minsan nga sa diyaryo, hindi mo pa maisulat dahil baka tanungin ka ng editors mo kung “Sino iyan?”. Kaya ang nangyayari, sa Internet na lang sila nagbobolahan.

Pero tama iyang ginagawa nina Carla at Tom. Tingnan naman ninyo ang naging epekto ng kanilang pagsisikap sa pelikula nila.

Deniece Cornejo hindi sinuwerte tulad ni Napoles

Matapos ang pagbasa sa kanya ng korte ng demanda laban sa kanya, at ang mga abugado niya ay maghain naman ng motion para siya ay makapag-bail, ibinalik si Deniece Cornejo sa PNP Detention cell sa Kampo Crame. Makikita mong walang special treatment. Kasama siya ng iba pang mga female detainees sa kulungan na mainit at walang air conditioner. Hindi siya kagaya ni Napoles na hindi naman talagang napasok sa kulungan, kundi sa mga office na ginawang pansamantalang detention room na air conditioned.

Sinasabing hindi naman malayong payagan       siyang makapagpiyansa kung mapapatunayan nga nilang mahina ang ebidensiya laban sa kanya. Isang example diyan si dating presidente Gloria Macapagal Arroyo na pinayagang magpiyansa sa kasong electoral sabotage, dahil sinabi ng korte na mahina ang ebidensiya laban sa kanya.

Hintayin na lang natin kung ano pa ang kasunod na development.

Pagkerengkeng ng starlet sa Internet, damay pati ang pangalan ng kanyang network

Ano kaya ang magiging reaksyon ng network kung malalaman nilang pati sila ay nakakaladkad dahil sa sobrang hilig ng isang female starlet nila sa “Internet dating?”

vuukle comment

ARNOLD CLA

CARLA

CARLA ABELLANA

DENIECE CORNEJO

KUNG

PELIKULA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with