^

Pang Movies

Piolo Pascual gustong i-preserve ang relasyon nila ni Shaina

Maryrose Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi kaila sa lahat ang namumuong special relationship between Kapamilya actor Piolo Pascual and Shaina Magdayao. Bagama’t wala pang kumpirmasyon sa real score ng dalawa ay aminado naman si Piolo sa espesyal na pagtitinginan nila ng dalaga.

 â€œWe’re okay, we’re okay. Whatever we really have, we will always be friends.

“We’re vocal about what we have. I guess, it’s better that way, so at least mapi-preserve ‘yung relationship namin.

“Mahirap, e, kayo (ngayon), ‘tapos mawawala, ‘tapos di pa ma-save ‘yung relationship.

“I guess, what is holding between us, there’s relationship there,” pahayag ng guwapong actor sa interview niya sa programang Cinema News kamakailan.

Samantala, sa biyahe ni Piolo sa Amerika kamakailan ay marami ang nag-akala na baka ituloy na niya ang dating plano na mag-quit sa showbiz.

 â€œBaka kundi ako nakapirma, tanggap ko na naman, na hindi ako puwedeng mag-decide para sa sarili ko.

“Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya, ‘di ba? Sino ba naman tayo para tumanggi sa offer?

“If there’s something, why not? Praktikal lang,” sagot ng aktor na bukod sa trabaho ay sinamantala na rin ang bakasyon para makasama ang anak na si Iñigo.

Sa ngayon ay nagsimula nang mag-taping si Piolo ng teleseryeng Hawak Kamay. Kasama niya rito sina Iza Calzado, Nikki Gil, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes.

“Nakatrabaho ko na ‘yung iba sa shootings and tapings. Pero sina Izadora si at Nikki, talagang ni-request ko and pumayag naman sila, kaya happy ako.”

Bukod dito ay magsisimula na rin si Piolo ng isang sports show sa Studio 23, kasama sina Gerald Anderson at Gretchen Ho.

“I am excited about it kasi ibang format naman—sports and action,” kuwento pa ni Piolo.                                                            

 

 

ANDREA BRILLANTES

CINEMA NEWS

GERALD ANDERSON

GRETCHEN HO

HAWAK KAMAY

IZA CALZADO

NIKKI GIL

PIOLO

PIOLO PASCUAL AND SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with