^

Pang Movies

Laplapan ni Carla at Tom tinilian ng mga manonood, kabaklaan nina Kevin at Paolo patok na patok

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Winner ang kembutan nina Paolo Ballesteros at Kevin Santos sa So It’s You! Hagalpakan nang todo ang nanood ng premiere night nu’ng Lunes ng rom-com movie dahil kering-keri nilang lumabas na beki lovers, huh! Klosete si Kevin habang out na out beki si Pao sa mo­vie!

Of course, pa­na­lo rin ang lambutsingan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Umaapaw talaga ang chemistry nila na bet na bet naman ng manunood! Eh, wala ring eklay ang todo nilang laplapan sa huling bahagi ng pelikula kaya ang buong sinehan, nakabibingi ang tilian at palakpakan!

Ang isa pang nakaw-eksena sa movie ay ang gumanap na bride ni JC de Vera, si Gee Canlas. Kahit iilan lang ang eksena, umani naman siya ng palakpakan!

Wala namang masyadong pretension ang unang rom-com movie ni Jun Lana. Pasado sa panlasa ng manood ang first attempt niya sa ganitong genre after ng award winning movies niya tulad ng Bwaka at Barber’s Tale.

Ang So Its’ You ang magsisilbi ring Mother’s Day Presentation ng Regal ngayong week na ito na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Aktor nawalan ng consultant nang iwan ng gf

Sunud-sunuran din pala ang sikat na aktor sa kanyang dating girlfriend. Madalas daw niya itong kunsultahin sa project na ibinibigay ng kanyang manager. Basta bawat lakad nito kaugnay sa career ay alam ng girlfriend niya.

Matindi rin daw kasing ma-in love ang aktor. Buhos na buhos ang pagmamahal at respeto niya sa babae.

Kaso, nagkaroon ng hangganan ang relasyon nilang dalawa at nauwi rin sa wala. Kaya naman tanging ang manager na lang ng aktor ang nagdedesisyon sa career ng alaga.

Buti na lang, bongga ang career ng aktor ngayon kaya ‘yung sakit ng pusong pinagdaanan sa pakikipagkalas sa girlfriend, niya unti-unti nang nagagamot, huh!

Martin isinalang kaagad

Wala munang bonggang contract s­igning na ginawa ang GMA Network sa paglipat ng Kapamilya actor na si Martin del Rosario. Isinalang agad siya sa Rhodora X at kahapon ang unang taping day niya.

Matagal nang nabalita ang pagtalon ni Martin sa GMA. Until heto na nga’t nagsimula na siya ng trabaho sa Jennlyn Mercado-Mark Herras, at Yasmien Kurdi starrer.

Nabigyan na rin ng malalaking exposures si Martin sa Kapamilya teleseryes. Siyempre, palai­sapan din ang bigla niyang paglabas sa network na nagbigay sa kanya ng acting breaks, huh!

vuukle comment

ANG SO ITS

CARLA ABELLANA

CINEMA EVALUATION BOARD

DAY PRESENTATION

GEE CANLAS

GRADED A

JENNLYN MERCADO-MARK HERRAS

JUN LANA

KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with