KC pumiyok sa isyung buntis at nagtatago sa Amerika
MANILA, Philippines - Very vocal ang Kapamilya actress na si KC Concepcion, na sa ngayon ay hindi pa siya handa na muling makipag-relasyon kaya naman nilinaw niya ang real score sa kanila ni Paulo Avelino na siyang nali-link sa kanya ngayon.
“Paulo Avelino is not my boyfriend yet. I’m not committing to anyone right now. I have no commitments to anyone, “ sey ni KC sa isang website na thefilam.net.
“It’s not my priority right now. But it will be soon enough.
“Honest naman ako, e, alam ng mga taong involved kung ano yung state of mind ko ngayon or kung ano ‘2yung mga limitations ko,†pahayag pa ng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta.
Marami raw factors kung bakit nasasabi niyang hindi siya ready sa anumang commitment.
“I don’t wanna be hurt, kakapagod. I’m taking it slow. Talagang very slow. I’m very careful with my heart right now.
“I’m being good to myself, welcoming enough but also putting limits kasi masyado akong nagbigay dati, so (dapat) mag-iwan para sa sarili,†pag-amin pa ni KC sa nasabing magazine interview.
Nasa New York, U.S.A. si KC ngayon para mag-aral at paghusayin pa ang kanyang pag-arte. Wala rin daw katotohanan na siya ay preggy at nagtatago roon.
Nasa Amerika raw siya para magbakasyon dahil sa nakakapagod niyang schedule sa Pilipinas.
“After doing Boy Golden, I had pneumonia,†lahad ni KC. “The doctors here said run-down ‘yung katawan ko.â€
“I just realized my body was screaming for a bit of rest...
“I’ve always been the type to need rest ‘cause it’s so difficult to do that in the Philippines. It’s a different world out there and everyone knows your whereabouts.
Lahad pa niya: “Here, I can read three books in one week. In the Philippines, wala akong time magbasa ng libro kasi, ‘di ba, parang itutulog mo na lang.â€
Idinagdag pa ni KC sa nasabing ulat na paminsan-minsan ay babalik pa rin siya sa Pilipinas habang nag-aaral dahil may mga commitments pa siya.
“I will be flying back and forth for work, (I’ve) been doing a lot of shoots for my endorsements and guestings because I still have many contracts that I need to fulfill.â€
- Latest