^

Pang Movies

Hindi na makabalik sa showbiz, male celeb nalaos sa pagiging pasaway

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Fresh pa rin sa alaala ng isang TV commercial director ang ginawa niyang paghamon ng suntukan sa isang pasaway na male celebrity.

Sa sobrang pagiging pasaway ng spoiled brat na male celeb, sumabog na ito kaya hinamon niya ng suntukan para mailabas na ang galit niya rito.

Sa tatlong commercial na nakatrabaho niya ang male celebrity, wala siyang naging pleasant na experience rito dahil sa pagiging unprofessional nito.

Kung hindi late dumating sa kanilang shoot, bigla na lang daw itong umaalis na hindi nagpapaalam. Kapag sinita naman daw ng production staff ay sinasagot pa niya ang mga ito at panay ang banta na hindi na siya babalik kapag pinilit siyang mag-shoot pa sa araw na iyon.

Kaya tuwing may bagong commercial project ang director, ipinagdarasal niya na hindi ang pasaway na male celeb ang makatrabaho niya dahil nakukunsume siya sa pagiging unprofessional nito.

Ilang taon din na hindi nakatrabaho ng director ang pasaway na male celebrity pero bigla ngang tinawagan siya at sinabing siya ang hahawak sa bagong commercial ng pasaway na male celeb.

Dahil dito ay hinanda na ng director ang kanyang sarili sa anumang attitude na ipakikita ng male celebrity. Sana raw ay umayos na ang ugali nito dahil ilang taon na ang nakaraan at siguro naman ay hindi na ito pasaway.

Pero mali ang inakala ng director dahil mas matindi pa ang pagiging pasaway nito ngayon. Two hours late dumating sa kanilang shoot ang nasabing male celeb at parang inaantok pa nang lumabas sa sasakyan. Unang litanya pa nito ay bilisan daw ang shoot sa kanya at may pupuntahan pa siya.

Dalawang eksena lang naman ang gagawin ni male celeb at iilang lines lang ang sasabihin niya. Kaso, hindi niya makuha ang mga simpleng instructions ng director sa kanya.

Sa isang eksena lang ay umabot sa take 15 ang male celeb dahil hindi nga niya makuha.

Noong kukunan na ang second scene niya, biglang tumayo si male celeb sa kinauupuan niya at aalis na raw siya. Hindi naman daw kasi magaling ang director na kinuha kaya paulit-ulit sila.

Doon na nga nagpantig ang mga tenga ng director at sinundan niya sa sasakyan ang male celebrity. Hinamon niya ito ng suntukan dahil matagal na raw siyang nagtitiis sa pagiging pasaway nito. Hindi niya matanggap na iinsultuhin siya ng isang taong hindi makaintindi ng mga simpleng bagay.

  Pinigil na lang ng production staff ang nag-iinit na director at sinabihan na nila ang male celebrity na umalis na lang.

Kinabukasan ay nireklamo na ng director ang pinakitang attitude ng pasaway na male celeb. Hinihiling niyang maalis na lang siya sa commercial project kesa sa makasama pa niya ulit or else masasapak na niya ito nang tuluyan.

After ng ilang araw na pag-uusap, inalis na lang sa project ang pasaway na male celeb at pinalitan siya ng isang bagong mukha.

Na-relieve ang director dahil hindi na nga siya maha-high blood sa set at natapos nila ng isang araw lang ang commercial.

Nagpatuloy sa pagiging pasaway niya ang male celebrity hanggang sa wala nang nagtitiwala rito at nawalan ng ningning ang kanyang pangalan.

Ilang beses nang nagtangkang bumalik sa showbiz ang male celebrity, pero wala nang gustong tumanggap sa kanya.

JC dumaan sa matinding depression bago napunta sa ABS

Buong linggo ang trabaho ngayon ni JC de Vera sa ABS-CBN 2 pero walang naririnig na reklamo sa kanya.

Dalawa ang teleseryeng tampok si JC. Una ay sa primetime series na The Legal Wife at sa hapon naman ay sa Moon of Desire.

Monday, Wednesday, Friday ang taping niya for The Legal Wife at Tuesday, Thursday, Saturday naman para sa Moon of Desire. Kaya si JC, minsan sa sasak­yan na lang niya natutulog kapag kailangan na niyang pumunta sa next taping set.

“Nakapag-adjust na ako sa schedules ko. Noong una, mahirap kasi nagkasabay ‘yung dalawang shows. Kaya ang taping ko araw-araw na.

“Pero kahit ganito, masaya naman ako kasi parehong maganda ang feedback sa dalawang shows,” sey niya.

Inamin ni JC na dumaan siya sa matinding depression bago siya kinuha ng ABS-CBN 2. Inakala ng aktor na katapusan na ng kanyang career sa showbiz.

 â€œKahit sino naman siguro, made-depress kung pinagdaanan nila ang nangyari sa akin.

 â€œPero hinanda ko na ang sarili ko sa puwedeng mangyari. Kung hanggang dito na lang ba, wala na akong magagawa.

 â€œMabuti na lang at nabigyan ako ng isa pang pagkakataon. Nagtiwala sa akin si Tito Leo (Dominguez) at gagawin daw niya ang lahat para maayos ulit ang career ko.

“Nangyari naman lahat ang sinabi niya kaya sobra akong nagpapasalamat sa mga nagawa niya para sa akin.”

Bukod sa dalawang TV series ay may natapos ding pelikula si JC na So It’s You under Regal Entertainment kung saan kasama niya sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Kim at Kanye ‘napilitang’ magpakasal sa Cali bago ang big wedding sa Paris

Kinasal na sina Kim Kardashian at Kanye West sa isang private ceremony sa Los Angeles pagkatapos nilang makuha ang kanilang marriage license.

 Ayon pa sa magazine na Life & Style: “Kim and Kanye are now married on paper. They got their license in California over the past few days.”

Magkakaroon pa ng isang bonggang wedding ang dalawa sa Paris ngayong May 24.

Makakasamang mag-march sa aisle nila Kim and Kanye ang kanilang 10-month old baby girl na si North.

Napilitang magpakasal sa California sina Kim and Kanye dahil nire-require ng French law ang strict 40-day residency bago sila ikasal sa Paris.

More than 200 guests ang imbitado ng mag-asawa at bibigyan nila ng unforgettable experience ang mga ito.

 â€œThey hired the Trianon Palace Hotel for them to stay in,” reveal ng isang source.

“Guests will be greeted with goodie bags containing £300 bottles of Bollinger champagne, £120 Creme de la Mer products, handmade souvenir trinkets with Kim and Kanye’s initials etched in Swarovski crystals, bottles of scent from local perfumeries and £150 vouchers for treatments at the hotel spa.”

 

vuukle comment

CELEB

DIRECTOR

KIM AND KANYE

LANG

MALE

NIYA

PASAWAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with