Pasaway na istilo sa pag-iinterbyu ni Tetay, kinabubuwisitan!
Hindi pa halos nakakahinga si Kris Aquino doon sa mga bashers niya na bumanat nang husto sa kanya dahil sa announcement niya ng kanilang romance ni Mayor Bistek na naudlot naman, ngaÂyon sunud-sunod na naman ang banat ng mga bashers dahil sa ginawa niyang interview kung saan sinabi niyang mas kumita ang pelikula nila kaysa sa Spider-man dito sa Pilipinas. Hindi agad nag-react ang mga kritiko pero matapos ang dalawang araw ng Spider-man 2, lahat sila ay nagsasaÂbing inilampaso na noon sa takilya ang pelikula ng anak ni Kris.
Una, hindi naman dapat magkaroon ng comparison ang mga pelikulang iyan, dahil hindi naman sila sabay-sabay na ipinalabas. Iyong pelikula ng anak ni Kris, Christmas ang play date nun eh. Talagang malakas na petsa iyon sa lahat ng sinehan. Isa pa, kung nagkasabay kaya ng showing ang Spider-man at ang pelikula ng anak ni Kris, palagay ninyo sino ang makalalamang? Kaya nga walang point of comparison.
May ilang bagay pa silang pinapansin sa interview na iyon. Una raw panay ang kuwento ni Kris tungkol sa kanyang sarili sa halip na kunin mula sa subjects ang maraming information na siyang gustong malaman ng mga tao. Para raw ang feeling ni Kris ay gusto niyang makilala siya ng international stars na kaharap niya.
Sinasabi rin nila, dinala pa ni Kris ang anak niya na kitang-kitang naglalaro sa likod na hindi naman dapat ginagawa ng isang nag-i-interview. Halimbawa ginawa iyon ni Aubrey Carampel, o ni Cata Tibayan, o kaya ni Niña Corpuz, aba malamang may memo iyan mula sa management. Pero maliwanag na mukhang hindi kontrolado ng management si Kris. Mukhang kontrolado niya ang management.
Nagyabang din daw siya sa interview at sinaÂbing siya ang tinatawag na Oprah Winfrey of the Philippines.
Sabi nila, maraming palpak sa mga interview ni Kris, pero isang katotohanan na pinababayaan at hindi ine-edit ng mga producers ng kanyang show ang mga palpak na iyon. Hindi rin naman kasi sinisita ng management.
Palagay namin dapat binibigyan siya ng guide kung hanggang saan lang dapat ang sinasabi niya. Kung sumobra dapat ini-edit. Ini-expect ba ninyo na mag-iinterview si Kris kagaya ng isang professional broadcast journalist? You must be kidding.
Kuya Germs nabuhayan nang kunin sa isang serye
Happy si Kuya Germs, at makalipas ang ilang taon, may role na naman siya sa isang teleserye. Kasama siya roon sa bagong serye ng Channel 7. Inamin din naman ni Kuya Germs na kahit na nga mas kilala siya bilang isang TV host, paminsan-minsan ay hinahanap din naman niya iyong makaka-arte siya, dahil artista naman siyang talaga. Inamin din niya na pinapaalalahanan niya ang management ng Channel 7 na artista rin siya at baka naman may maibibigay na assignment sa kanya.
Si Kuya Germs, hindi na naghahabol iyan nang kikitain niya. Baka nga iyong kikitain niya diyan ay bale wala na sa kanya eh. Pero kagaya nang iba pang tunay na artista, hinahanap din kasi ng katawan niya ang umarte.
Iyan kasing pagiging isang artista, hindi lang trabaho iyan. Parang way of life na, kaya nga iyong ibang mga artistang nawawalan ng assignment nade-depress. Marami sa kanila nahihirapang mag-retire at tumalikod sa pagiging isang artista.
- Latest