^

Pang Movies

Angel sumabog sa bashers!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi  lang ipinahahalata ni Angel Locsin pero inis na inis siya sa mga nagba-bash sa kanya. “Sumusobra na sila!  Pati ba naman ‘yung mga ex ko na wala na ngayon, pinapaalala pa gaya ni Miko Sotto?  Maraming beses na akong naloko, maraming mang-aagaw, maraming malalandi!  Palagay ko isang tao lang ‘yung nagba-bash sa akin, e!  Pati itong sa amin ni Phil (Younghusband).  Isinisisi sa akin. Wala akong sinasabing masama laban kay Phil. Nagkahiwalay kami nang maayos.  I was in darkness then nang dumating si Phil sa buhay ko. Nakakahinayang man, wala akong magagawa. Nag-usap naman kaming mabuti bago nag-Decide na mag-split. Sa ngayon, maayos naman ako sa piling ni Luis (Manzano),” tuluy-tuloy na sabi ni Angel.

Troy at Aubrey hindi pinag-uusapan ang kasal kahit 11 years nang live in

Hindi pa kasal sina Troy Montero at Aubrey Miles kahit eleven years na silang nagsasama at may isang anak. May unang anak si Aubrey sa ibang lalaki.  Sabi ni Troy :  “That wedding is always on my mind.  But we take things one at atime.”

Sabi naman ni Aubrey :  “Kung magpapakasal man ako kay Troy, gusto ko sa America na para maging U.S. citizen na rin ako. Nandun nga sa Los Angeles ang parents ko kaya gusto kong sa States na rin tumira.”

Hindi nagsisisi si Aubrey sa mga mali niyang nagawa sa nakaraan.  “Kung may mali man akong nagawa, hindi ako nagsisisi.  Kasi, ako lang naman ang nasaktan, hindi ibang tao,” pagtatapat ni Aubrey.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AUBREY

AUBREY MILES

LOS ANGELES

MIKO SOTTO

PATI

SABI

TROY MONTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with