Ogie tinutuhog ang pag-aasikaso sa dalawang pamilya
Bumisita ang ilang entertainment press last Thursday sa taping ng Confessions of a Torpe na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid and Alice Dixson at dito ay masayang ibinalita ng staff na extenÂded ang serye hanggang June.
Syempre pa, masayang-masaya si Ogie Da Pogi lalo’t ito ang first comedy series niya sa TV5.
So, ano pa ang pasabog ng comedy-serye nila sa extension na ‘yan?
“Well, sa ngayon ay masaya,†say ni Ogie sa tsikahan sa taping sa La Concordia College. “Close na kami ni Alice. E, nare-realize ko parang may gusto na pala ako kay Gelli (De Belen) so, torn ako, ganoon. In the meantime, si Alice nagkakagusto na talaga sa akin. Si Wendell (Ramos) naman, liligawan niya si Gelli kasi gaganda na siya. Cute naman siya,†kuwento pa ni Ogie.
“Sabi ko nga, kaya siguro nag-work ‘yung serye kasi si Tupe (Ogie ) ay ordinaryong tao, ‘di ba? Hindi naman siya kapogihan. Hindi naman siya hunk, so, nakaka-identify ‘yung ordinaryong tao sa kanya. Hindi siya mahirap abutin, ‘di ba?†dagdag pa ni Ogie.
Paano nama-manage ni Ogie ang oras niya at atensyon na nakakapunta siya ng Australia (sa mga anak niya kay Michelle Van Eimeren) tapos sige pa sa birthday ni Regine Velasquez?
As in nabibigyan niya ng panahon ang dalawang pamilya niya sa kabila ng trabaho niya sa TV5.
“Kasalanan mo ‘yan, ang dami mong anak, e! Gampanan mo ‘yan,†tumatawang sagot ni Ogie.
“Ano’ng klase kang ama, ‘di ba? Ano, Iba-block off mo talaga. Sasabihin mo talaga aalis ka nang ganito. Pagod talaga. Mukha na akong eroplano but you know...‘yung kapalit naman nu’n, nakikita mo ang pamilya mo, nakikita mo ‘yung mga anak mo na lumalaki. Mawala na itong lahat, ‘wag lang ang pamilya, ‘di ba?†he said.
May boyfriend na pala ang panganay niya kay Michelle na si Leila at aminado siyang weird ang feeling.
“Weird. Siyempre nu’ng una weird. Parang hindi ko sila matingnan. Pero mabait naman. Australian-Canadian siya. Mabait, e, makuwento, tapos tawang-tawa sa akin,†aniya.
So, cool dad lang siya?
“Wala, e, sila naman, (Michelle at husband nitong si Mark Murrow) hands on naman silang parents, eh. Siyempre, may mga limitasyon din sa pagbo-boyfriend. Pag-aaral din talaga.
“Alangan namang pigilan mo, e, ‘di magtatago naman ‘yun,†aniya pa.
Wala naman daw plano ang mga anak niya kay Michelle na mag-stay sa Pilipinas at pasukin ang showbiz. Si Leila ay magka-college na next year kaya malamang ay sa Sydney daw ito. Hindi naman daw marunong mag-Tagalog, hindi raw kagaya nu’ng isa.
Si Nate (anak ni Regine), nakikita ba niyang mag-aartista ito?
“Lahat...dun napunta. Ang kulit-kulit. Magti-three na siya,â€
Natanong nga kung may plano na ba silang sundan ito pero say niya, hanggang plano na lang yata.
“Puro plano.. E, wala pa, eh! Lahat na lang ng powers ko, ginamit ko..wala. Ayos na rin ’yun,†saad pa niya.
Ano ang next project niya after ng “Torpe?â€
“Marami silang ini-offer na stories pero ultimately ‘yung management ang magde- decide niyan, e! Baka puwedeng magpahinga muna ako, kahit two months, ‘di ba?
“Malasap ko naman...,†saad pa niya.
Ano na ang nangyari sa serye niyang The Gift?
“Hindi ko alam. Igi-gift na lang yata, hindi ko alam. Kasi, drama ‘yun, e, comedy na tayo rito (TV5), e! Dalawang linggo na ‘yung na-tape ko dun, baka i-gift wrap, ewan ko,†sey niya sabay tawanan.
“Baka, puwede pa nilang gawin na maging lighter. I don’t know,†bulalas pa ng comedy actor-singer-composer.
Napapanood ang Confessions of a Torpe mula Lunes hanggang Biyernes, sa primetime slot ng TV5.
- Latest