^

Pang Movies

LT, Ate Vi at Ate Guy magsasalpukan sa URIAN

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats kay Lorna Tolentino dahil sa nomination niya sa best actress category ng 2014 Gawad Urian.

Nominado si LT dahil sa powerful performance niya bilang Edith Burgos sa indie movie na Burgos.

Matindi ang labanan sa best actress category ng Urian dahil mga mahuhusay na aktres ang co-nominees ni LT. Nominated si Batangas Governor Vilma Santos para sa Ekstra at si Nora Aunor para sa Ang Kuwento ni Mabuti. Take note, nominado sina Mama Vi at Nora sa mga indie movie na ginawa nila noong 2013. First indie movie ni Mama Vi ang Ekstra at unang indie movie ni LT ang Burgos.

Dahil magagaling ang mga naglalaban-laban sa best actress category ng 37th Gawad Urian, happy na ako na nominado si LT. Kung sinuman ang manalo sa kanilang tatlo, tiyak na walang aangal o magpoprotesta.

Indie movies dominated ang Urian

For the love of Butch Francisco na loyal member ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ibabahagi ko sa inyo ang mga nominado sa ilang kategorya ng 37th Gawad Urian na gaganapin sa June 17.

Best Actor:

Mark Gil (A Philippino Story)

Joel Torre (OTJ)

Mimi Juareza (Quick Change)

Sid Lucero (Norte Hangganan ng Kasaysayan)

Ping Medina (Transit)

Jhong Hilario (Badil)

Alex Medina (Babagwa)

Best Actress:

Nora Aunor (Ang Kuwento ni Mabuti)

Vilma Santos (Ekstra)

Angeli Bayani (Norte Hangganan ng Kasaysayan)

Cherie Gil (Sonata)

Eugene Domingo (Instant Mommy)

Rustica Carpio (Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?)

Agot Isidro (Mga Anino ng Kahapon)

Vivian Velez (Bendor)

Lorna Tolentino (Burgos)

 

Best Supporting Actor:

Junjun Quintana (A Philippino Story)

Art Acuna (Kabisera)

John Arcilla (Metro Manila)

Joey Marquez (OTJ)

Yul Servo (Porno)

Carlo Aquino (Porno)

Victor Basa (Lauriana)

Cesar Montano (Alamat ni China Doll)

Archie Alemania (Norte Hangganan ng Kasaysayan)

Bor Ocampo (Dukit)

 

Best Supporting Actress:

Angel Aquino (Ang Huling Cha-Cha ni Anita)

Angel Aquino (Porno)

Mitch Smith (Angustia)

Ruby Ruiz (Eks-tra)

Jasmine Curtis-Smith (Transit)

Raquel Villavicencio (Dukit)

 

Best Direction:

Erik Matti (OTJ)

Lav Diaz (Norte Hangganan ng Kasaysayan)

Jeffrey Jeturian (Ekstra)

Peque Gallaga and Lorie Reyes (Sonata)

Arnel Mardoquio (Riddles of My Homeco­ming)

Hannah Espia (Transit)

Alvin Yapan (Mga Anino ng Kahapon)

Whammy Alcazaren (Islands)

Chito Roño (Badil)

Mes de Guzman (Ang Kuwento ni Mabuti)

Adolf Alix Jr. (Porno)

Bing Lao (Dukit)

 

Best Picture:

Norte Hangganan ng Kasaysayan

OTJ

Transit

Ekstra

Riddles of my Homecoming

Badil

Ang Kuwento ni Mabuti

Porno

Dukit

Unang transgender na nakasungkit Ng best actor award, nominado na naman!

The who si Mimi Juareza? Siya ang transgender na bida sa indie movie na Quick Change.

Unang indie movie ni Mimi ang Quick Change at nanalo agad siya ng acting award dahil sa kanyang mahusay na pagganap.

Nominated si Mimi sa best actor category, kahit transgender siya. Hindi naman puwedeng ilagay si Mimi sa best actress category dahil lalake pa rin ang kanyang kasarian at hindi pa siya operada.

Naging maingay ang name ni Mimi sa Cine­malaya 2013 dahil siya ang nag-win ng best actor award. Gumawa si Mimi ng kasaysayan sa local movie industry dahil siya ang kauna-unahang transgender na nag-win ng best actor award. May mga aktor na baklita na nanalo ng mga acting award pero mga discreet gay sila. Therefore, tinalbugan sila ni Mimi.

Mga indie films tinatalbugan na ang mainstream

Mga indie movie ang karamihan sa mga nominated sa best picture category ng Gawad Urian.

Karamihan sa mga indie movie eh bago sa pandinig ko. Hihintayin ko na lang na ipalabas sila sa Cinema One o sa ibang mga TV network para mahusgahan ko kung talagang pulido ang pagkakagawa sa mga indie movie na matagal nang namamayagpag at tinatalbugan ang mga mainstream film.

 

vuukle comment

ANG KUWENTO

BEST

EKSTRA

GAWAD URIAN

INDIE

KASAYSAYAN

MIMI

MOVIE

NORTE HANGGANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with