Pagdeklara bilang Santo kina Pope John Paul II, John XXIII, at pagbisita ni Barack Obama, tututukan ng ABS-CBN
MANILA, Philippines - Ihahatid ng ABS-CBN ang pinakamahahalagang detalye tungo sa pagiging ganap na Santo nina Pope John Paul II at Pope John XXIII sa isang special coverage ng kanilang canonization ngayong Linggo (Abril 27).
Bago pa man ang main canonization ceÂremony, nagsimula nang maghatid nitong Linggo ang batikang mamamahayag na si Korina Sanchez at ang ABS-CBN Europe News Bureau sa panguÂnguna ni Danny Buenafe ng special reports ukol sa kanilang buhay, pinagmulan, mga milagro, pananampalataya, at debosyon sa Diyos.
Mapapanood naman nang live ang mismong canonization ceremony sa ABS-CBN mula sa Vatican sa ganap na 4 p.m.
Magsisimula ng 3 p.m. ang pagbabalita ng ABS-CBN News Channel (ANC) kasama si Karmina Constantino na sabayan ding mapapanood sa ABS-CBNNews.com.
Samantala, hatid din ng pinakamalaking news organization sa bansa ang pagpapatrol sa pagbisita ng U.S. President na si Barack Obama sa Lunes at Martes (Abril 28-29).
Magsasanib-puwersa ang ABS-CBN, ANC, DZMM, at ABS-CBNNews.com sa pagbibigay ng pinakasariwang balita mula sa kanyang pagdating, pagpupulong kasama si Pangulong Benigno Aquino III, ang state dinner, pati na ang kanyang inaasahang pagdalaw sa Luneta Park, Fort Bonifacio, at American Cemetery.
Saint John Paul II: We love you: GMA network special live coverage tuluy-tuloy
Mula sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa bansa para sa beatification ni San Lorenzo Ruiz noong 1981 hanggang sa record-breaking attenÂdance ng World Youth Day sa Maynila noong 1995 at maging sa kanyang beatification noong 2011, hindi maikakailang mas malapit sa puso ng mga Pilipino si Blessed John Paul II kumpara sa iba pang mga Papa.
At sa kanyang kanonisasyon ngayong Linggo, Abril 27, maraming Pilipino ang nagnanais na masaksihan ang makasaysayang kaganapan na ito. Makakasama rin sa nasabing kanonisasyon si Blessed Pope John XXIII, ang Papa na nanguna sa malawakang pagbabago sa Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Second Vatican Council.
Live mula sa Rome, pangungunahan ng mga GMA News pillars na sina Mel Tiangco at Jessica Soho, kasama sina Mariz Umali, Jiggy Manicad at Raffy Tima, ang espesyal na coverage na Saint John Paul II: We Love You.
Makakasama naman sina Arnold Clavio at Vicky Morales sa espesyal na coverage ng GMA News TV na mapapanood simula 3:30 ng hapon. Makakasama nila para magbahagi ng kasaysayan at kanilang pananaw sina Fr. Francis Lucas ng Catholic Media Network at Fr. Jose Quilongquilong, S.J. ng Loyola School of Theology.
Matutunghayan rin ang iba pang ulat tungkol sa kanonisasyon sa Balitanghali Weekend ng GMA News TV at 24 Oras Weekend sa pamamagitan ng live reports ng GMA news contingent mula mismo sa St. Peter’s Square sa Vatican.
- Latest