^

Pang Movies

Host ng bagong morning show ng Net 25 parang aaning-aning

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Meron nang pantapat ang Net 25 sa mga mor­ning shows ng major networks na Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) at Unang Hirit (GMA 7), ang Pambansang Almusal. Minsan napanood namin ang show, dahil walang mga pang-umagang palabas sa ibang channel.

Ang mga host ng show from the Iglesia ni Cristo channel, hindi pa mga professionals. Halatang baguhan pa sila, pati sa mga adlib.

Meron isang overweight male na habang nagpapaalam ang kanyang co-hosts sa show, ikot nang ikot at nagma-martsa na tila retarded!

Marami akong friends from INC at pati aking mga relatives. Lots of them naman have plea­sant personalities. Bakit ang mga nasa Pambansang Almusal, hindi kaaya-aya ang pag register sa small screen? Baka naman uso rin ang palakasan sa Net 25.

Machong aktor nakabingwit ng foreigner sa Bora

Sa mga pinuntahan ng celebrities noong Holy week, ang Boracay ang todo ang coverage. Iisipin tuloy natin na walang magandang pasyalan sa ating bansa kundi ang island beach resort.

Natural usap-usapan ang isang macho actor na ligid nang ligid sa Bora na walang kasama. Biglang na-sight na lang ang huli na may ka join na poging foreigner. Ewan kung kaninong hotel room nag-check in ang bagong pareha.

Batikang ‘Hesukristo’ pangarap gumanap na Hudas

Isa sa mga hinangaang gumanap ng Hesukristo sa maraming senakulong pinalabas sa Metro Manila noong Holy Week, si Dan Albert Sarabia. Simula sa pagkabata, nagampanan na niya ang role ng Child Jesus. Kaya kabisado na niya ang kanyang papel na ginagampanan tuwing Semana Santa.

May-ari ng restaurant ang pamilya ng 22-year-old na si Dan, na gusto ring makaganap ng Hudas sa kanilang Samahan ng Kabataang Senakulista sa Barangay Barangka, Mandaluyong City, sa mga darating nilang pagtatanghal.

Nobela ng Pinay writer na wagi sa Amerika, balak nang gawan ng pelikula

Ang libro ng Pinay na si Gina Apostol na Gun Dealers’ Daughter ang nagwagi ng prestigious na PEN Open Book Award 2013 sa U.S.A. Lumaki sa Tacloban at UP Diliman graduate, nagtapos ng Master’s Degree in Creative Writing si Gina sa John Hopkins College, Maryland.

Dahil sa malaking karangalan na natamo niya, nagkaroon ng extensive promo ang kanyang Gun Dealers’ Daughter sa Amerika at sa ating bansa.

Ang balita may negotiation na upang i-translate sa isang Hollywood movie ang kanyang award-winning novel.

Mga nanalong Pinoy films mapapanood sa LA

Limang Pinoy films ang ipapalabas sa 30-year-old na Los Angeles Asian Pacific Film Festival on May 1 to May 11. Itatampok ang Rekorder ni Mik­hail Red, Debosyon ni Alvin Yappan, Kabisera ni Borgy Torre, Blue Bustaman­te ni Nike Lievelo, at Shift ni Siege Ledesma.

Halos lahat ng mga pelikula ay nagwagi na sa iba’t ibang worldwide filmfest.

Tampok pa sa LA filmfest ang apat na Pinoy short films, at mga documents na paksa ang mahahalagang events sa a­ting bansa.

               

 

ALVIN YAPPAN

AMERIKA

BARANGAY BARANGKA

BLUE BUSTAMAN

BORGY TORRE

GUN DEALERS

PAMBANSANG ALMUSAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with