Girlfriend ni Billy magaling na tomboy
Ang ganda ng Holy Week Presentation ng It’s Showtime sa ABS-CBN. Wala munang tawanan, kulitan, harutan, at landian gaya nang nakagawian sa programa nila. Medyo solemn muna, pa-drama effect. Ipinalabas ang mga true to life stories na may puso, istoryang may tema ng pagmamahal sa mga minamahal, kuwento ng pananalig sa Diyos, at higit sa lahat ang pagmamahal sa kapwa.
Dalawa sa mga true to life stories ang talagang nakapagpaiyak ‘di lang sa akin kundi sa karamihan dahil sa katapangan ng mga karakter. Ang first story ay tungkol sa napaka-gandang contestant ng That’s My Tomboy na si Christine “Chuck†Ledbetter na kahit saang anggulo mo sipatin ay talaga namang napakaganda.
Galing siyang Ormoc City at Cebu pero sa Maynila siya humanap ng magandang kapalaran dahil sa kalupitan ng kanyang tiyuhin. Ang masama pa, ‘di man lang siya kayang ipagtanggol ng sariling ina at ‘di siya pinag-aaral. Katakut-takot ang hirap na dinanas ni Chuck para makapag-ipon at maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Si Coleen Garcia ang gumanap na karakter ng tomboy. Ang galing palang umarte ng love interest ni Billy Crawford. Kahit na maigsi ang buhok ay maganda pa rin talaga. Bagay na bagay sa kanya ang naturang role at nabigyan niya ito ng justice. Si Arjo Atayde ang gumanap na Kuya ni Chuck. Mahal nila ang isa’t isa at pagmamahal ang isa sa tema ng episode na ito!
Samantalang si Jhong Hilario naman ang gumanap na talipandas na tiyuhin ng magkapatid. Napatawad na naman daw ni Chuck ang kanyang ina at tiyuhin ngunit hindi sila close sa isa’t isa. Halos limang taon na raw silang ‘di nagkikita nito.
Napakahusay ng pag-arte nina Coleen, Arjo, at Jong na pang-award namang masasabi talaga!
Vhong nagtinda ng tsinelas maghapon
Maganda rin ang life story ni Marc Tyler dela Cruz, contestant and winner ng Kalokalike ng It’s Showtime. Kahawig na kahawig niya talaga ang comedian/actor na si Vhong Navarro. Pagmamahal din sa magulang at mga kapatid ang tema ng kuwento. Biruin mo ay maghapong nagtitinda ng tsinelas si Marc para lang may mauwing pera sa kanyang pamilya.
Hay, nakakaiyak talaga. Saludo talaga kami sa pag-arte ni Vhong sa pagganap niya sa Kalokalike niya.
Happy birthday apo!
Happy Easter to all! Also Happy Birthday naman to Jennilyn “Jenn†Ramirez sa April 20. Pa-ice cream ka naman. Jenn is my beautiful granddaughter.
- Latest