^

Pang Movies

Pilit na sinisipa sa puwesto Gov. ER sa kapitolyo na nakatira!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa susunod na buwan na ang Pala­rong Pambansa at gaganapin ito sa Sta. Cruz, ang capital town ng Laguna.

Inaasahan ko na magpapatawag ng presscon si Laguna Governor ER Ejercito bago magsimula ang Palarong Pambansa para magkaroon ng kasagutan ang mga isyu na kinasasangkutan niya.

Nababahala kasi ang mga residente ng Laguna sa balita na pilit na pinaaalis sa puwesto si Papa ER dahil sa overspending case na isinampa ng COMELEC laban sa kanya.

Nasagap ko ang news na nakatira na raw si Papa ER sa provincial capitol ng Laguna para hindi siya mapatalsik sa puwesto at nakabantay ang kanyang mga supporter.

Wish ko lang, hindi masira ng mga nangyayari sa political career ni Papa ER ang magaganda at malalaking plano niya para sa Palarong Pambansa.

Kung nahaharap sa pagsubok si Papa ER, walang bahid ng kontrobersya ang pamamalakad sa Pagsanjan, Laguna ng kanyang misis na si Girlie “Maita” Ejercito.

Si Maita ang incumbent mayor ng Pagsanjan at ayon sa mga turista sa Laguna noong Holy Week, ang Pagsanjan ang isa sa pinakamaayos at malinis na bayan na napuntahan nila.

Dinarayo ng mga turista ang Pagsanjan dahil sa mga resort at  famous Pagsanjan Falls. May vacation house sa Pagsanjan ang direktor na si Louie Ignacio at paborito ng award-winning director na si Joel Lamangan na mag-shooting sa nasabing bayan.

Isa lang ang reklamo ng mga turista sa Pagsanjan, ang problema sa trapik dahil sa dami ng mga turista na hindi nakakalimutan na magsimba sa Our Lady of Guadalupe Church. Ang Our Lady of Guadalupe ang patron saint ng Pagsanjan, Laguna.

Burgos ni LT kasali sa London filmfest

Ipalalabas sa London Labour Film Festival sa April 30 ang Burgos, ang pelikula na pinagbidahan nina Lorna Tolentino at Rocco Nacino.

Eksaktong pitong taon sa April 28 ang anibersaryo ng mahiwaga na pagkawala ni Jonas Burgos.

Hanggang ngayon, hinahanap pa rin ni Edith Burgos ang nawawalang anak. Hindi siya sumusuko sa paghahanap, buhay man o hindi si Jonas.

Ang Burgos ang isa sa pinaka-memorable movie na ginawa ni Lorna. Ginampanan niya ang role ni Edith at pinatanda ang kanyang itsura para lalong maging credible siya bilang nanay ni Jonas.

Halos magkasunod na nawala noong 2007 sina Jonas at Ruby Rose Barrameda. Ang pagkakaiba lang, natagpuan na ang labi ni Ruby Rose pero hindi pa nagkakaroon ng katarungan ang pagpatay sa kanya. Hustisya rin ang isinisigaw ng Burgos family at ng kanilang mga supporter. Mabigat ang kanilang pinagdaraanan dahil hindi pa natatagpuan ang katawan ni Jonas.

Young aktor gusto nang ilako sa ibang network ng manager

Malapit nang mag-expire ang kontrata ng young actor sa kanyang mother studio. Nagbabalak ang manager ng young actor na ilipat ito sa ibang TV station kapag hindi sila nakatanggap ng offer na i-renew ang kontrata ng kanyang alaga.

Sayang naman kung ililipat ng manager ang young actor dahil binigyan ito ng malaking break sa TV ng kanyang mother studio. Bakit hindi nila su­bukan na maghintay-hintay  dahil baka may magagandang plano para sa young actor ang management ng TV network?

 

ANG BURGOS

ANG OUR LADY OF GUADALUPE

BURGOS

EDITH BURGOS

JONAS

PAGSANJAN

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with