^

Pang Movies

Birhen ng Manaoag, sikreto ni Kuya Germs kaya malusog ang pangangatawan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinimulan namin ang pakikiisa sa paggunita ng Mahal na Araw, kagaya nang dati. Sumama kami sa taunang pilgrimage na ginagawa ni Kuya Germs (German Moreno) sa Manaoag, Pangasinan. Ang master showman kasi ay isang deboto ng Birhen ng Manaoag.

Nagsimula ang kanyang pilgrimage na ginagawa niya tuwing Lunes Santo kasama ang mga kaibigan at ilang mga talents ng kanyang show, mahigit na tatlumpung taon na ang nakararaan. Pero sabi nga nila, noon daw, lalo na noong mayroon pang That’s Entertainment, mas maraming mga artista ang sumasama pati ang kanilang mga magulang. Kaya kung minsan daw ay mga anim hanggang pitong bus silang lahat. Ngayon isang bus na lang kami.

Pero sayang, kasi ito ang unang pagkakataon simula nang sumama nga kami sa pilgrimage ni Kuya Germs, mahigit sampung taon na rin ang nakararaan na hindi kami umabot sa pagdiriwang ng misa sa simbahan ng Birhen. Naipit kasi kami ng mahabang traffic dahil sa aksidenteng naganap sa NLEX noong araw ding iyon. Nang makarating kami sa simbahan, tapos na ang huling misa para sa umagang iyon, na dati ay siya naming naaabutan.

Hindi man namin inabot ang misa, naisagawa pa rin namin ang ibang mga Holy Week rituals sa simbahan ng Manaoag, kaya ok na rin sa amin.

Sabi nga ni Kuya Germs, sa kanyang edad sa kasalukuyan, hindi siya nagkakaroon ng sakit. Totoo dahil minsan lang namin narinig na may sakit si Kuya Germs. Kung hindi pa simpleng lagnat, sumasakit lang ang ngipin niya. Nananatiling malakas ang katawan niya. Kaya pa nga niyang makipaglaban ng walang tulugan, at karaniwan iyong mga mas bata pa sa kanya ang unang inaatake ng antok. At ang paniwala ni Kuya Germs, kaya nana­natiling malusog at malakas ang kanyang katawan ay dahil sa tulong na rin ng Mahal na Birhen ng Manaoag. Kaya nga tuwing darating ang Lunes Santo, anuman ang mangyari tiyak na pupunta si Kuya Germs sa simbahan sa Manaoag, Pangasinan.

Mga may atraso kay Vhong nag-uunahan nang makalabas ng bansa?!

Nagulat kami noong araw ding iyon, habang papunta kami sa Manaoag, narinig namin sa radyo na ang isa raw sa mga suspect sa pambubugbog kay Vhong Navarro, na kinilalang si Ferdinand Guerrero ay nagtangkang tumakas palabas ng bansa. Papunta diumano iyon sa Cebu, kung saan sasakay naman siya sa panibagong eroplano patungong Hong Kong.

Noong una daw ay nakikipagtalo pa iyon sa mga opisyal ng immigrations, pero pagkatapos ay siya na rin ang kumansela ng kanyang biyahe.

Nauna rito, nabalita ring papaalis na rin sana ng Pilipinas si Cedric Lee, isa pa sa mga suspect sa kaso at patungo diumano ng Dubai.

Nauna rito, ang korte sa Taguig ay nagpalabas na ng warrant of arrest laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at iba pang mga suspect sa kaso ng pambubugbog kay Vhong Navarro.

Akala ko ba naman haharapin nila iyon at hindi tatakas ang sino man sa kanila, sabi ng kanilang lawyer.

vuukle comment

BIRHEN

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

KAMI

KAYA

KUYA GERMS

LUNES SANTO

MANAOAG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with