^

Pang Movies

Jennifer Lopez, napaiyak pa! AI Judges sising-sisi na hindi naisalba si Malaya Watson

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagwakas na ang American Idol journey ng Fil-Am na si Malaya Watson. Na-eliminate siya noong nakaraang April 11 nang mapasama siya sa bottom 2 for the third time.

Kitang-kita ang disappointment ng AI judges, lalo na si Jennifer Lopez na naluha nang awitin na ni Malaya ang kanyang farewell song na I Am Changing.

Gustuhin man i-save ng mga judges si Malaya, hindi na nila magawa dahil na­gamit na nga nila ang one-time Judges’ Save sa isa pang AI contestant na si Sam Woolf last week.

Feeling daw nila na nagkamali sila sa pagbigay agad ng “save” dahil hindi naman nila inasahan na ma-eliminate the following week si Malaya.

Hindi nga makapaniwala ang Fil-Am at American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez dahil napauwi nga si Malaya.

“Mad and disappointed about it Malaya should have been safe. #idoldisagree,” tweet pa ni Jessica.

Ilang weeks ngang pinuri ng AI judges si Malaya dahil sa magagandang performances niya every week.

Mabigat man sa kalooban ni Malaya ang maalis sa show, naging malaking stepping stone naman daw sa kanya ito dahil malaki ang naging pagbabago sa buhay niya.

Isang tuba player ng marching band ng Southfield High School in Detroit, Michigan si Malaya. Ang ama niyang si Ronald Watson ay isang professional guitar player at ang ina niyang si Marian Bandico ay isang nurse.

Na-eliminate man si Malaya, makakasama pa rin siya sa summer tour ng American Idol Season 13.

Female starlet makati pa sa higad, dyowa ng drama actress inaahas

Nangangamba ba ang isang drama actress dahil may nakarating na balita sa kanyang umeeksena raw ang isang female starlet sa kanyang boyfriend na drama actor?

Sobrang stressed na sa kaka-worry si drama actress dahil kilala niya ang pag-uugali ng female starlet at ang hilig nitong mang-akit ng lalaki ng ibang babae.

Nagkasama raw ang female starlet at ang boyfriend ni drama actress sa isang malaking event sa labas ng Metro Manila. Punong-abala ang boyfriend sa naturang event kung saan isa sa mga dumating ay ang female starlet.

Ayon sa isang source na malapit sa drama actress, panay ang titig ng female starlet sa bf ni drama actress. Paano naman, eh bukod sa guwapo at macho ito, maga­ling pang makipag-usap at parating nakangiti.

Kaya ang female starlet ay nakaramdam na naman ng pangangati sa katawan at hindi napigilan ang sarili’t lumapit sa drama actor at kinalantari ito.

“Nasabi ng lalaki na girlfriend niya si (name ng drama actress) at ang chika ng female starlet ay close sila nito. Kaya ‘yun na ang kanyang style. Habang kausap niya si lalake, panay ang hawak nito sa kung saan-saang parte ng lalaki. As in naglulumandi na talaga,” sey ng source namin.

At hindi pa natatapos doon ang pagiging babaeng higad ni female starlet, nagiging babaeng ahas din siya dahil balak niyang imbitahan ang boyfriend ni drama actress na mag-dinner sila at pumunta sa isang bar na alam niya.

Nataon namang wala ang drama actress sa bansa. Pero natatanggap naman daw nito ang mga text messages at emails tungkol sa ginagawang paglandi ng female starlet sa kanyang boyfriend.

Kaya si drama actress, alam na niya ang gagawin sa female starlet kapag nagkita na sila. Hindi niya ito susugurin, pero padadalhan niya ng mga Bible verses para makunsensya ito sa kanyang pagiging ahasera.

Non-alcoholic drinks na lang ang puwede :Justin Bieber banned na sa mga nightclub!

“Persona non grata” na nga si Justin Bieber sa mga nightclubs sa Miami, Florida.

Hindi na nila pinapayagang pumasok sa mga clubs ang Canadian pop star dahil ayaw na raw ng mga may-ari ng club na makipag-deal sa tulad niya at sa mga kasama nito.

Ayon sa TMZ, tumawag nga ang mga tauhan ni Bieber sa mga club na LIV, Story at Adore para magpa-reserve ng tables habang nasa Miami ang singer. Pero lahat sila ay ni-refuse ang reservation nito.

Nakiusap ang mga tao na payagan na sila dahil malaki ang mako-consume nilang orders ng drinks na makakatulong sa club. Pero wala pa ring pumayag na tanggapin si Bieber.

May dalawang rason kung bakit hindi tinanggap ng mga clubs sa Miami si Bieber. Una ay wala pa siya sa edad na 21. Pangalawa ay naaresto siya for DUI.

Negative publicity ang natanggap ng nightclub na SET dahil doon nga galing si Bieber bago ito naaresto for DUI. Kaya ang ibang clubs ay pina-ban na si Bieber dahil bad for business siya.

Kaya ang ending ni Bieber ay sa isang restaurant called Cavalli ito nagpunta kung saan hindi siya puwedeng bigyan ng alcohol at hindi siya mapapasubo ulit sa mga pulis.

 

vuukle comment

ACTRESS

BIEBER

DAHIL

DRAMA

FEMALE

KAYA

STARLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with