Ex-partner ni Mayor Herbert ayaw maghiganti
Dalawang araw matapos aminin ni Kris Aquino ang relasyon niya kay Mayor Herbert Bautista, inaabangan ngayon ng lahat ang statement ni Tates Gana, ang live-in partner ni mayor for many years now. Hindi pa rin kasi klaro sa lahat kung naghiwalay na ba sila bago pa man nagkaroon ng relasyon si Bistek kay Tetay or kung may overlapping bang nangyari.
Kahit pa nga sabihing walang overlapping, siyempre masakit pa rin ito para kay Tates na mahaÂbang panahon ding nagmahal at naghintay kay maÂyor na pakakasalan siya nito not to mention the fact na may dalawa silang anak.
Maging ang Facebook status ni Tates ay inaabaÂngan ngayon kung may shout out ba siya or komento tungkol sa Kristek tandem (ito ang bansag ngayon sa Kris-Bistek romance).
Finally, kahapon ay may post si Tates na isang quotation. It read: “There’s no need for revenge. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves and, if you’re lucky, God will let you watch.â€
Sa caption naman ay may nakalagay na “So don’t waste your time.â€
Makahulugan ang post na ito ni Tates at tila sumasalamin sa kanyang nararamdaman.
We just wish na maging madali para kay Tates ang lahat ng ito at huwag na sana siyang masyadong masaktan pati na ang kanyang dalawang anak. Siguro it’s about time na rin for her to find a better man who much, much more deserves her love.
Joey Marquez iwas na iwas magsalita tungkol kay Kris
Sa pocket presscon ng Da Possessed last Tuesday ay hindi nakaligtas ang isa sa cast na si Joey “Tsong†Marquez na tanungin sa kanyang reaksiyon tungkol sa mainit na mainit na pinag-uusapan ngayong Kristek romance.
As we all know, minsan sa isang panahon ay nagmahalan din sina Tsong at Kris kaya siyempre ay curious ang lahat na malaman ang kanyang reaksiyon lalo na nga’t mayor din siya that time na nagkaroon sila ng relasyon.
Pero ayaw magbigay ng pahayag ni Tsong at binitiwan nga niya agad ang microphone nang matanong ito. Kaya naman hindi na rin siya kinulit.
After the Q&A portion ay nilapitan siya ng ilang entertainment press at natanong ulit tungkol dito dahil baka magbigay na siya ng pahayag.
“I’m happy. I’m very happy for all of us. For the entire world,†sambit niya finally.
Ang follow-up question sa kanya ay kung napapansin ba niya na parang mayroong pattern sa mga nakakarelasyon ni Kris na kung hindi basketbolista ay politician.
“Love and peace for everybody for this coming Lenten Season,†ang napakalayong sagot ni Joey.
Natawa na lang kami ’cause obvious talaga na ayaw na niyang makisali or makigulo pa sa issue na understandable naman dahil wala naman siya talagang kinalaman dito at napakatagal nang panahon ang lumipas since magkahiwalay sila ni Kris.
Natanong din si Tsong about his love life at maikli lang din ang sagot niya – “Alone but not lonely.â€
Samantala, showing na ang Da Possessed sa April 19 (Black Saturday) na pinagbibidahan ni Vhong Navarro. Kasama rin dito sina Solenn Heussaff bilang leading lady, John “Sweet†Lapuz, Joy Viado, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Aaliyah Belmoro, Empoy, and Smokey Manaloto mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.
- Latest