^

Pang Movies

Daniel kulang ang affection kay Kathryn

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Birthday celebrations shown and marketed as TV specials are among the most intolerable ordeals on the boobtube. Take that debut party of Kathryn Bernardo shown last Sunday.

The rounds of sago’t gulaman drinks served with banana and camote cue by the late talent manager Dr. Rey dela Cruz on a birthday bash of his alaga were far more better than the pasosyal celebration of the Bernardo girl, fully covered on television.

After all, we didn’t feel any sincere affection for each other from Kathryn and supposed to be boyfriend Daniel Padilla. They just did what was required of them on cam. And there was no outstanding gown even what the debutante wore. Pawang mga ordinaryong damit ang nakita namin.

Magkano naman kaya ang talent fee ng tatay ni Kathryn, para sa kanyang message for his daughter and who else. Tila hindi niya masyadong inintindi ang kanyang mensahe bago niya sinabi.

’Buti na lang hindi na nanood ang mga tinuran ng kanyang ina.

Si Daniel Padilla, kinanta ang Till There Was You na first covered by The Beatles as his finale number. Binibigay niya ang mic kay Kathryn upang makikanta pero tinulak ng dalaginding ito at ngumiti.

‘‘Cute’’ ang reaction ng fans dito? Ito rin kaya ang feeling ni Daniel sa ginawa ni Kathryn?

Sana maglabas ng DVD version ang debut for the delight of their fans upang mapangregalo sa inyong mga kagalit!

Ang slot na ibinigay ng debut party ay ang Sunday’s Best. Sana marami pang magandang paraan upang tayo’y aliwin at masiyahan tuwing linggo ng gabi.

Bimby inisnab ang future madrasta

Nanood si James ‘‘Bimby’’ Yap, Jr. ng PBA All-Star game. Masayang-masaya ang tatay na hardcourt star. Si Bimby naman hindi mapansin (o hindi pinansin) na nandoon ang kanyang magiging madrasta, ang fo­reigner girlfriend ni James.

Pinayuhan pa ng ama na uminom ng maraming tubig si Bimby dahil nakita niyang sobrang magpawis.

Tatay ng anak ni Pokwang malabo nang makontak

Malapit na palang mag-18th birthday ang anak ni Pokwang na si Ria Mae this year. Kung sakaling gustong makita ng kanyang daughter ang kanyang Japanese father, hindi pipigilan ni Pokwang.

Kung magiging complete si Mae as a person kapag nagkaroon ng ugnayan sa kanyang tatay, higit na maligaya ang komedyana. Pero walang hope for reconciliation dahil meron nang ibang wife ang Hapones at meron ng mga anak doon ang mag-asawa.

Jean Claude umiikot lang dati sa Escolta, inilalako sa mga produ sa halagang $5K

Magpapadala ng 12 potential filmmakers sa Guangzhou, China ang Film Development Council of the Philippines upang maging intern ng isang buwan sa filming ng action picture ni Jean Claude Van Damme.

Aalis na sa bansa ang 12 Pinoy at magtatrabaho sa Bounds of Flesh ni Van Damme hanggang May 8. Tiyak na marami silang matutuhan na isang big foreign project, na magagamit nila sa ating bansa, kapag gumawa na sila ng mga sariling pelikula.

Noong bago pang aktor si Van Damme, panay ang pasyal niya sa Escolta, Manila kasama si Direktor Willie Milan. Iniaalok ni Willie si Jean Claude sa mga local produ ng US$5,000 lang per film pero walang naglakas loob na sugalan ang naging international action star.

Alice iniiyakan pa rin ang diborsiyo

Ngayon pa lang nagkuwento si Alice Dixson na siya ay na-depressed nang maghiwalay sila ng kanyang husband for 13 years. Ang kanyang mister lang ang pinakisamahan niya ng ganoon katagal kaya’t labis na nasaktan ang aktres.

Siyempre crayola queen siya nang matagal at naka-survive sa tulong ng kanyang mga kaibigang tunay na minamahal si Alice. Last year lang na-grant ang divorce ng Canadian court pero kung minsan ay lumuluha pa rin si Alice.

’Buti na lang at marami siyang trabaho sa TV5 kaya wala na siyang gaanong panahon para magmukmok.

BIMBY

JEAN CLAUDE

KANYANG

KATHRYN

POKWANG

VAN DAMME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with