^

Pang Movies

Actress consistent ang pagiging unprofessional kaya pinatitikim na lang ng mga malalakas na sampal ng mga kasama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iniiwasan na raw makasama sa isang project ang isang ac­tress dahil napaka-unprofessional nito, laging late sa traba­ho. Kahit daw maagang dumating as per their call time ang ibang members ng cast, kailangan nilang hintayin ang actress na para raw laging taking her time kung anong oras niya gustong dumating sa set. 

Nag-try na raw ang mga kasama niya na ireklamo siya pero hindi nila itinutuloy dahil alam nilang malakas ito sa higher ups. Kaya raw kung minsan, ginagantihan na lamang nila ang actress kapag may eksenang sampalan, tinototoo nila ang eksena. 

Naku, hindi naman yata tama iyon, kausapin na lamang nila ang actress at sabihin ang reklamo nila.

Aljur at Louise panay lang ang tawa sa ginawang ‘date’

Tinawanan na lamang nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes, mga bida ng Kambal Sirena ang balitang nakita raw silang dalawa lamang ang nag-check-in sa isang re­sort. Ito nga raw ang reason sa balitang nag-break sina Louise at ang matagal na niyang boyfriend na si Enzo Pineda na wala pa namang confirmation either sa kanilang dalawa kung totoong nag-break na sila. 

Nakausap namin ang isang close kina Aljur at Louise at kasama sa taping at, ayon sa kanya, dahil doon naman sila madalas mag-taping ng kanilang telefantasya, inimbita nila ang mga kasama nilang licensed diver para mag-bonding sila. Dahil sa training nina Aljur at Louise sa swimming, naging licensed divers na sila, ganoon din si Rich Asuncion, na kaya na nilang mag-dive at mag-stay sa tubig hanggang 60 feet, na kailangan nila para sa mga role nila sa telefantasya. 

Direktor busy din ang career sa negosyo at review center

Una naming na-meet si Anton Broas, na nakilala sa showbiz sa highly praised stage direction niya sa first Miss Beauche International finals na ginanap sa Solaire Resort and Casino last December. Muli namin siyang na-meet sa premiere night ng Echoserang Frog sa Fisher Mall sa Quezon City. Bukod pala sa mahusay magdirek, si Anton ay may-ari ng may 22 branches and kiosk ng Beauche International around the country. 

May isa pa siyang business na mas malapit sa puso niya, ang St. Louis Review Center (SLRC), ang nangunguna ngayong review school for nurses, teachers, med-tech, PT, midwifery, and civil ser­vices for the past 25 years, owned by Dr. Roger Polo Tong-an, the newly elected president of the Philippine Nurses Association.

A registered nurse himself, naki-team up si Anton kay Dr. Tong-an at ngayon mayroon na siyang five branches out of the 28 branches of SLRC nationwide. Masayang naikuwento ni Anton na last March ay 11 sa 10 topnotchers (dahil may mga nag-tie) sa licensure examination for teachers last Jan. 26 ay mga review student ng SLRC.

Sa June 7, si Anton ang magdidirek ng 11th Golden Screen Mo­vie Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS) na gaganapin sa Teatrino in Greenhills, San Juan City.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANTON

ANTON BROAS

BEAUCHE INTERNATIONAL

DR. ROGER POLO TONG

DR. TONG

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with