^

Pang Movies

Showbiz malungkot sa desisyon ng Ombudsman

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malungkot ang showbiz sa inilabas na balita mula sa Ombudsman at Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng pork barrel scam kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, Jr., at iba pa.

Bumiyahe na si Sen. Bong at pamilya papunta sa Israel at tanging si Sen. J­­ing­goy lamang ang sumagot sa magkasunod na pahayag ng Ombudsman at Senado.
Gaya nang una niyang mga pahayag, matapang na haharapin ni Sen. Estrada ang lahat at si Sen. Bong naman ay nangakong babalik ng bansa.

 

Bianca ayaw magmukmok lang nang maulila

Ulila na sa mga magulang ang young actress na si Bianca Umali. Namatay ang ina niya nung 2005 dahil sa kanser habang ang ama niya ay heart attack ang ikinamatay nung 2010.

Nasa poder ng lola niya ngayon si Bianca pero kita sa kanya ang pagiging matatag na bata.

“Kailangan ko rin po na mag-move on. Hindi naman po puwedeng magmukmok na lang.

“Everything has a reason at tanggap ko na po ang lahat,” rason ni Bianca nang ipainterbyu siya sa press.

Matapos lumabas sa huli niyang Mga Basang Sisiw, magbibida na si B­ianca sa Niño at kapareha niya ang nagbibinata na ring si Miguel Tanfelix.
Kung merong artista sa GMA na iniidolo niya, iyon ay si Marian Rivera.

vuukle comment

BIANCA

BIANCA UMALI

BONG REVILLA

JINGGOY ESTRADA

MARIAN RIVERA

MGA BASANG SISIW

MIGUEL TANFELIX

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with