^

Pang Movies

Aljur ‘niloko’ si Kylie?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Totoo kaya na sa pamamagitan lang ng text m­essage nakipag-break si Louise delos Reyes kay Enzo Pineda?

Ayon sa isang reliable source, noong nakaraang Sabado nga raw nakipag-break si Louise kay Enzo. Kaya sobrang natulala ang huli dahil sa pagkakaalam niya ay wala silang problema sa kanilang relasyon.

Ang itinuturong dahilan kung bakit kumalas bigla si Louise ay ang leading man nito sa Kambal Sirena na si Aljur Abrenica.

Two days daw bago makipag-break si Louise ay kasama nito si Aljur sa isang event ng Ducati sa Eastwood City sa Q­uezon City. Marami ang nakapansin na very sweet daw ang dalawa.

That same night, may nakakita kina Aljur at Louise na nasa Subic, Olongapo City naman. Naroon sila hanggang maghahating-gabi na.  Hindi nabanggit ng source namin kung sa isang hotel or resort niya nakita ang dalawa. Pero ang sigurado raw ay walang taping sa Subic dahil sa Morong, Bataan ang location nila.

Dahil sa pakikipag-break ni Louise, lumitaw ang mga litrato mula sa Instagram na magkasama sila ni Aljur sa event ng Ducati.

May isang Instagram photo rin sa regalong relo ni Louise kay Aljur noong birthday nito. May lipstick mark pa nga ni Louise sa card na bigay niya kay Aljur.

Kasalukuyang wala ang girlfriend ni Aljur na si Kylie Padilla at nasa Australia ito’t nagbabakasyon. Ano kaya ang maging reaction nito sa pagka-involve ng kanyang boyfriend sa breakup nina Louise at Enzo?

 

Nadine naging tagapayo sa love life ni Yassi

Dahil sa pelikulang Diary ng Panget ay naging very close sina Nadine Lustre at Yassi Pressman kaya nagkaalaman sila ng mga personal nilang mga problema.

As girlfriends, naging open sila, lalo na si Yassi, na nai-share kay Nadine ang kanyang first heartbreak mula sa ex-boyfriend na si Sef Cadayona.

Hindi raw aware si Nadine na naging boyfriend pala ni Yassi si Sef Cadayona at nalaman lang daw niya ito noong unang press conference ng Diary ng Panget.

“Noong may nagtanong na po kay Yassi regarding kay Sef, doon ko lang nalaman na naging sila pala.

 â€œThen noong maging close na po kami ni Yassi, siya naman ang nag-open up tungkol sa unang heartbreak niya,” sabi ng aktres.

Umiiyak daw si Yassi habang ikinukuwento nito ang masakit na pinagdaanan nito sa naging relasyon nila ni Sef. Naintindihan naman ni Nadine ang nararamdaman nito dahil nagkaroon na rin siya ng boyfriend dati.

“Nakaka-relate naman po ako kay Yassi kasi nagkaroon na rin po ako ng boyfriend when I was sixteen years old. Pero very different ang situation namin ni Yassi.

 â€œNoong magkahiwalay po kami ng boyfriend ko, hindi masyadong masakit kasi mga bata pa kami noon at wala pa ’yung sinasabi nilang emotional investment.

 â€œNagkahiwalay kami ng maayos and we are still good friends. Sa situation naman po ni Yassi, nagsimula kasi sila ni Sef as good friends ’tapos nagkaroon ng relasyon. Then something went wrong sa kanila kaya pati ang friendship daw nila ay naapektuhan,” pahayag ni Nadine.

Since mas matanda siya ng dalawang taon kay Yassi, humingi raw ng advice ang huli bilang isang nakakatandang kapatid.

“The only safe advice I gave her was to be strong and take baby steps. Huwag niyang madaliin ang lahat. She’s still young at marami pang puwedeng mangyari sa kanya. If she says that she has moved on, mas maganda po iyon,” sabi ng teen actress.

Sa sariling love life naman ni Nadine, ready naman siyang subukan ulit ang magkaroon ng boyfriend.

Pero gusto niyang mas bigyan ng pansin ang career niya, lalo na’t bini-build up ang tambalan nila ni James Reid at tinatawag na silang JaDine.

“Natutuwa naman po kami ni James kasi may fans na kami sa social media. Gusto po naming mag-work itong team namin and we pray na maging hit itong Diary ng Panget,” asam pa ni Nadine.

Ngayong April 2 na palabas ang Diary ng Panget: The Movie na produced ng Viva Films at idinirek ni Andoy Ranay.

vuukle comment

ALJUR

KAY

LOUISE

NADINE

NAMAN

PANGET

PERO

SEF

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with