^

Pang Movies

Marian proud na maging ambassador para sa mga kababaihang may kapansanan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Para kay GMA Primetime Queen Marian Rivera na nga ang buwan ng Marso. Pagpasok pa lamang ng March, lumabas na at nagre-print pa ang 2014 anniversary issue ng FHM na siya ang cover for the second time. March 4, nag-presscon ang bago niyang endorsement na Sof&Hmmmm, March 22, napanood na ang TV commercial (TVC) niya ng Talk ’n Text. Ginanap din ng araw na iyon ang pinakamatagal na autograph-signing ng sexy mag ni Marian sa Robinsons Movieworld at pagkatapos noon, rumampa naman siya anniversary party ng FHM sa Solaire Resorts and Casino.

March 25 ay ini-launch ang isa pa niyang bagong endorsement with TVC, ang BioFitea Herbal Dietary Tea ng Diamond Laboratories. Kinagabihan ay nag-sign naman siya ng contract sa isang new endorsement for a brand of shampoo na dahil sa too busy schedule niya, inihahanap pa ng date kung kailan siya puwedeng mag-shoot ng TVC.

At today, sa last day of March, pangungunahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang celebration ng Women with Disability Day, na pormal na ipakikilala si Marian bilang ambassador for women and children with disabilities. May tema itong “Isulong: Pantay na Karapatan Para Kay Juanang May Kapansanan.” 

Ayon sa aktres, isang malaking karangalan sa kanya na mapiling ambassador kaya nangangako siyang susuportahan lahat ang mga proyektong ipagagawa sa kanya. 

Kasama na rin sa ipinagpapasalamat ni Marian ang patuloy na pangunguna sa rating ng kanilang primetime drama series na Carmela ni Alden Richards na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng Kambal Sirena.

Maricel apektado pa hanggang ngayon sa pagkamatay ng ina

Today, March 31 pa lamang magsisimulang mag-taping ang tinaguriang Diamond Star na si Maricel Soriano ng first project niya sa GMA Network, ang Ang Dalawang Mrs. Real na working title pa rin pala ito, with Dingdong Dantes and Lovi Poe. Pero ilang araw nang sunud-sunod na napapanood si Maricel na naggi-guest sa iba-ibang shows ng network. Last Saturday, March 29, guest siya ni Regine Velasquez sa Sarap Diva at nakitang naging tearyeyed ang dalawa, si Maricel pala hanggang ngayon ay masakit pa sa kanya ang pagkawala ng kanyang ina at si Regine naman, ang pagpanaw kamakailan ng amang si Mang Gerry. 

Nasabi ni Maricel na: “Life is too short, let us try everyday to be happy.” Kagabi, napanood din si Maricel sa Kapuso Mo, Jessica Soho at mamayang gabi, siya ang special guest nina Camille Prats at Suzi Entrata sa Mars, 7:00 p.m. sa GMA News TV. Nag-guest din si Maricel sa taping ng Bubble Gang na mapapanood sa Friday, April 4, pagkatapos ng Rhodora X.

Makakasama rin ni Maricel sa cast ng Ang Dalawang Mrs. Real sina Celeste Legaspi, Jaime Fabregas, Tommy Abuel, Robert Arevalo, Marc Abaya, Rodjun Cruz, Dominic Roco. Ididirek ito ni Andoy Ranay at mapapanood na sa May.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDOY RANAY

BUBBLE GANG

CAMILLE PRATS

CELESTE LEGASPI

DIAMOND LABORATORIES

DIAMOND STAR

MARICEL

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with