Jackie Chan nababaliw sa pagma-manage ng K-POP boy band
Lumilihis na yata ng landas si Jackie Chan. Ayaw na niya sa action film industry? Ang bago niya kasing pinagkakaabalahan ay K-Pop!
Ipinakilala na niya sa madla kamakailan ang kanyang bagong kinahihiligan – isang K-Pop boyband na tinawag niyang JJCC. Involved na involved ang Hong Kong action superstar dahil kung hindi ba naman eh bakit pati pagma-manage sa grupo ay siya na ang umako? Puwede namang sponsor-producer na lang siya. Bilang artist manager, kasama siya sa mga desisyon ng JJCC at baka sumama-sama rin siya sa tour kung kailangan.
Frustrated singer-dancer kaya si Jackie? Bago kasi siya nakapasok sa mundo ng martial arts, at kalaunan ay action films na ang kinalagyan, sinubok na rin pala noon ang aktor ang kanyang dancing at singing skills. Kaya kung mapapansin ay nakakakanta rin naman si Jackie sa ilan niyang pelikula. May boses siya. Hindi ko lang matandaan kung saang pelikula siya medyo sumayaw-sayaw.
Nasa early 20s lang ang limang lalaki, na mga mukhang babae, sa JJCC. Ang apat ay South Korean at ang isa ay Australian-Chinese. At hinahanda na ang kanilang debut album. Kung pumatok sila sa naglipanang K-Pop groups, tiyak na si Mr. Chan ang pinakaunang matutuwa.
Pero hindi naman ang pagkabilib sa K-Pop music daw ang priority ng 59-year-old star kundi ang paniniwala niya na mapag-isa ang kultura ng buong Asya. Hindi naman kaya umaray ang mga Hapon na may J-Pop at ang Intsik na lahing pinagmulan ni Jackie Chan?
Lance kailangan pa uli ng panibagong operasyon
Nakasalalay na si Lance Raymundo sa siyensiya matapos ang nakakapangilabot na aksidente niya habang nagwo-workout sa gym kamakailan. Naniniwala siya na magagawa ng science ang kanyang mukha na halos madurog dahil sa pagbagsak ng 80-lb. barbell.
Dalawang operasyon kasi ang gagawin sa singer-actor para ayusin ang kung anuman ang nasira sa labas at loob ng kanyang mukha. Naisagawa na ang unang surgery niya kahapon na gumamit ng titanium para sa kanyang ilong at nylon implants para sa isang eyeball. Pasalamat na lang si Lance dahil hindi siya nabulag o kaya ay nabasagan ng bungo.
Ayon sa nauna niyang ipinadalang pahayag sa isang TV program, naniniwala siya na sa science ay walang “irreparable.†Kaya ang ibig sabihin ay bilib si Lance sa kanyang mga doktor na maibabalik sa dati ang kanyang mukha. Walang mapipipi o tatabingi o makikitang kahit bakas ng peklat pagkatapos ng surgery.
Karylle mas malaki ang kinikita kesa sa napangasawang pabanda-banda
Pagkatapos ng kasal nina Karylle at Yael Yuzon, ang mas inaasahan ng lahat na magbabalik-trabaho agad ay ang panganay ni Zsa Zsa Padilla. Maiintindihan naman ito dahil alam ng lahat na malaki ang kinikita sa showbiz ni Karylle. Kahit pa sabihing sa It’s Showtime lang siya nakakaraket.
Pero huwag namang kalimutan na posible pa ring magka-career si Yael sa banda niyang Spongecola. At mas dapat nga siyang kumayod ngayong may asawa na siya. ’Yun eh kung may maisusulat pa siya o ang kabanda niya na potential hit, makapaglabas uli ng album, at makapag-gig ng todo.
Ang kaso, paano kung hindi? Hindi kakayanin na aasa lang si Yael sa royalties mula sa mga luma niyang kanta at ’yun na ang share niya sa pagsasama nila ni Karylle.
***
May ipare-rebyu? Email: kibitzer.na.nicher@gmail.com
- Latest