Dahil sa pamamaril ng kapitbahay Royette Padilla nakakulong
Nahuli ang dating aktor na si Royette Padilla matapos siÂyang isumbong ng isang kapitbahay sa Angeles City sa Pampanga na bumaril diumano sa kanilang tahanan. Butas ang pinto ng kapitbahay at nakita ang basyo ng bala. Pero ikinaila ni Royette na binaril niya ang bahay ng kapitbahay niya at hindi rin nakuha sa kanya ang baril. Ganoon pa man ay nakulong siya dahil sa tingin ng piskal na humawak ng kaso ay may batayan ang bintang.
Ilang taon na rin ang nakararaan, nahuli rin si Royette nang ireklamo siya ng kanyang asawa ng pambubugbog pero nawalan ng saysay ang reklamo nang iurong din iyon ng kanyang asawa.
Si Royette, na kapatid ng action star na si Robin Padilla, at tiyuhin ng matinee idol na si Daniel ay nakilala rin noon matapos na sabihing siya ay isang “general†ng samahang H World, isang hukbo diumano ng isang spiÂritual government na nagkampo noon sa Quezon City.
Matapos ang kaguluhan, nawala na rin ang H World na sinabi niyang pinamumunuan niya bilang isang heneral.
JC mas patok magpa-sexy
Mukhang iba na nga yata ang takbo ng choices ng fans ngayon. Kung noong araw basta sinaÂbing sexy ang mas pinag-uusapan ay ang mga female star. Mukhang hindi na gano’n ngayon. Napansin lang naman namin ’yun dahil sa nakukuha naming feedback tungkol sa bagong afternoon series na Moon of Desire.
Noong una, siyempre ang mas napo-promote ay ang mga artista nilang babae, at mapapansing maski naman noong nag-launching sila ay mas binibigyan ng priority ang mga female star, natural sexy kasi ang show eh. Pero hindi gano’n ang dating sa mga tao.
Natawa nga kami roon sa narinig naming kuwentuhan dahil mukhang mas interesado sila sa nga leading men na sina JC de Vera, Dominic Roque, at ang dating basketball player na ngayon nga ay artista na rin na si Miko Raval.
Kung sabagay, si JC nga ay mas napansin noong araw nang may gawin siyang isang TV drama na medyo sexy ang role. Hindi maikakaila na ang isang eksena lamang na pagsasayaw niya ng sexy ay mas napag-usapan kaysa sa alinmang role na ginawa niya sa kanyang career. Pero pagkatapos ay hindi na naulit iyon, lumipat siya ng ibang network at kahit na busy naman siya sa trabaho, hindi nga rin naging competitive dahil medyo mahina naman ang signal ng network.
Kaya nga marami ang nagsasabi na mukhang makakabawi na siya ngayong nasa ABS-CBN na siya.
Si Dominic Roque naman, bagama’t sa showbiz ay nagsimula nga sa mga teen role sa telebiÂÂsÂÂyon, noong una naman ay naging model na rin siya ng isang underwear brand. Kaya hindi na rin bago sa kanya kung medyo sexy man ang kanyang role sa Moon of Desire.
Ang talaga nga sigurong medyo bago ay si Miko Raval na dating varsity baller at model. NgaÂyon talagang pasok na siya sa showbusiness.
Medyo kakaiba nga dahil ang pagpapa-sexy ng mga lalaki ang mas pinag-uusapan.
- Latest