^

Pang Movies

Baguhang aktres sa harapan lang makinis, tadtad ng butlig ang likuran

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pala maingat sa kanyang balat ang isang bagong aktres. Kung makinis ang harapang bahagi ng kutis niya, pagdating sa likod niya eh tadtad ito ng butlig na parang tagihawat, huh!

Napansin ’yon ng isang staff ng show isang showbiz event nang mag-guest ang new actress. Hindi naman siya gaanong kagandahan pero may talento naman sa pag-arte.

Eh nakasuot kasi ng backless ang new actress. Isang staff ang nasa likod niya bago siya isalang. Nakita ng staff ang likod niyang may mga butlig kaya na-turn off ang staff sa kanya.

Naku, dapat mag-ingat ang new actress sa balat niya o ’di kaya sa pagsusuot ng mga damit. Pakikinis muna niyang lahat ang balat sa katawan niya, harap at likod, bago siya magsuot ng damit na may skin exposure.

Young actor ngarag na ang hitsura, parang natutuyot na

Nawawala na raw ang pagiging sariwa ng isang young actor kumpara nung una siyang madiskubre. Ngarag na ngarag kasi ang dating ng young actor kung mapapansin ang eyebags niya.

Eh parang lagi pang lutang ang dating ng young actor sanhi marahil ng walang kaukulang puyat.

Dahil sa sobrang kangaragan, hayun at nagmumukhang mature na ang young actor na para pang natutuyot na!

Dennis nagbibilin sa fans ni Julia

Pampakilig naman ang handog ng Dreamscape sa Mirabella na magsisimula ngayong hapon bago ang TV Patrol. Huhusgahan ng mga manonood ang launching series ni Julia Barretto na hindi maipagkakailang Barretto ang dating.

Siyempre, hindi naman puwedeng makalimutan na tatay ni Julia si Dennis Padilla. Bihira mang mabanggit ang tatay niya sa interviews sa younger Barretto, constant pa rin ang komunikasyon ng anak sa ama.

Bilin nga raw ni Dennis kay Julia ay huwag kalimutan ang kanyang fans na susuporta sa kanya mula simula hanggang sa pagtanda niya.

Papapangitin nga lamang si Julia sa launching TV series niya kahit may mga eksenang gaganda rin siya nang sa gayon ay hindi naman ma-intimidate ang fans sa kanyang nagmumurang kagandahan.

vuukle comment

BARRETTO

BIHIRA

BILIN

DAHIL

DENNIS PADILLA

HUHUSGAHAN

ISANG

JULIA

JULIA BARRETTO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with