^

Pang Movies

Paolo Bediones naiiyak tuwing naaalala ang sanggol na nawala sa GF na nakunan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kamakailan ay umamin na ang TV host-broadcaster na si Paolo Bediones na mayroon siyang sakit sa balat na psoriasis. Nagdesisyon ang TV host na ilantad ito para tumulong na rin sa pagbibigay ng sapat na kaalaman ang publiko tungkol sa sakit na ito. In fact, pumayag siyang maging spokesperson ng Psoriasis P­hilippines para ipaalam din sa lahat na ang sakit na ito ay hindi nakakahawa.

Sa panayam kay Paolo ni Cristy S. Fermin sa kanyang Cornered by Cristy segment ng Showbiz Police na mapapanood ngayong Monday, 4 p.m., ipinakita ng TV host ang kanyang binti na may malaking sugat na nakuha niya dahil sa pagkamot niya rito.

Sa mga hindi nakakaalam, kati ang kalaban ng psoriasis at say nga ni Paolo, napakasarap kamutin.

“Orgasmic ang feeling kapag kinakamot mo na, napakasarap kamutin, lalo na kapag nakabilad ka sa arawan. May lumalabas din sa noo ko, ‘yun ang sign na magiging active na rin ang mga nasa iba pang parte ng katawan,” pahayag ni Paolo kay Nanay Cristy.

Hindi lang ang kanyang skin disease ang highlight ng interview ni Paolo kundi maging ang kanyang personal life.

At his age (40 years old) ay marami na rin siyang naging seryosong relasyon pero nauuwi parati sa hiwalayan.

Pero ang isang hindi makakalimutan ni Paolo at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya sa kanyang puso ay ang pagkawala ng isang sanggol na dapat sana’y tatawag sa kanya ng “daddy”.

Three months pregnant ang girlfriend niya that time nang makunan ito.

“Hanggang ngayon, kapag naaalala ko ’yun, napapaluha pa rin ako. Napakasakit pala ng ganun, hindi ko kayang i-explain ang hurt, sobrang sakit kasi, hinayang na hinayang ako,” saad pa ng TV host.

Hanggang Miyerkules mapapanood sa Cornered by Cristy ng Showbiz Police ang exclusive interview kay Paolo.

Sam gustong ibalik ang pagiging close kay Anne

Okay lang kay Sam Milby kung wala sa original story ng Dyesebel ang kanyang karakter bilang Liro at kumbaga ay idinagdag lang. Thankful nga raw siya sa Dreamscape and ABS-CBN na nagdagdag ng karakter at siya ang napili para gumanap.  

Masaya raw siya to be part of Dyesebel at makasama ang mga bigating cast ng serye.

Although nahirapan siya talaga at first sa kanyang role bilang sireno even before the taping started.

“Ang daming training sessions para sa swimming. Si Anne (Curtis) marami nang training sessions nong dati pa for Diyosa but, ako, first time na gaganap ako bilang isang merman, sireno, so, napakahirap para sa akin na magmukhang natural sa tubig na hindi ako nahihirapan,” sabi ni Sam.

At hanggang nagte-taping na sila, talagang nahirapan pa rin daw siya.

“It was difficult for me kasi when you’re swimming akala mo na okay. Pero ’pag nakita mo na sa screen, hindi pala okay, mukhang awkward na nahihirapan talaga ako, so, it was a lot of training for me para masanay talaga sa tubig,” dagdag pa ng aktor.

Bukod sa swimming lessons ay nag-gym din si Sam para nga naman maganda ang katawan niya sa screen dahil lagi nga siyang nakahubad.

Sam is also happy na sa pamamagitan ng Dyesebel ay muling na-renew ang friendship nila ng ex-girlfriend na si Anne. Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkakasama sa isang teleserye at aminado siyang naisip niyang baka magkaroon ng awkwardness sa first taping day.

“Actually, for me, naiisip ko for the first day of taping akala ko magiging awkward or something like that but not at all. It was really nice,” kuwento pa ni Sam.

Anyway, nakaka-first week na sa ere ang Dyesebel at masayang-masaya ang buong Dreamscape team sa mataas na ratings na ipinakita ng serye sa pilot week.

Last Friday naman ay nag-record na si Lea Salonga ng theme song na gagamitin for Dyesebel. Pinamagatang Ang Tangi Kong Kailangan, original composition ito nina Francis and Carla Concio.

Immediately after the recording ay nag-shoot na si Lea agad ng music vi­deo ng kanta. Ito ang unang pagkakataon na nag-record ang Tony awardee and Broadway Diva ng theme song ng isang Philippine teleserye.

Abangan ang launching ng soundtrack ng Dyesebel soon at abangan din ang second week ng serye dahil siyempre, makikita na natin sina Anne, Sam, and Gerald Anderson.

BROADWAY DIVA

CRISTY S

DYESEBEL

FRANCIS AND CARLA CONCIO

GERALD ANDERSON

HANGGANG MIYERKULES

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with