^

Pang Movies

Ryzza Mae sasabak na rin sa drama kasama si Susan Roces

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinabalik ng Eat Bulaga ang Lenten drama specials ngayong Holy Week na ilang taon ding namahi­nga. Tatlong episodes itong ipinalalabas na nagsisimula tuwing Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo.

Madalas na may kanya-kanyang episode sina Tito, Vic, at Joey na sinamasahan ng iba nilang Dabarkads. Sa tuwina ay drama at pananalig sa Diyos ang kuwento ng programa.

This Holy Week, kasama si Susan Roces sa magpapaiyak sa isa sa mga episodes. Sa plug ng Lenten drama, si Paolo Ballesteros ang kabatuhan niya ng malulutong na dayalog. May episode din si Ryzza Mae Dizon na first time mapasali sa ganitong drama special.

Kaibigan ni Tita Susan si Tony Tuviera ng TAPE, Inc. producer ng Bulaga kaya naman hindi niya natanggihan ang offer sa kanya sa Holy Week drama.

Reklamador na singer hindi nakahirit nang hainan ng lumang pagkain

Natameme ang isang male singer sa pagiging reklamador nang imbitahan siya sa isang out of town fiesta. Likas sa pagiging reklamador ang singer kaya naman ang manager niya, tumatanggap na lang ng inquiry pero sa road manager na lang ng singer ipinauubaya ang approval ng singer. Ayaw kasi niya makausap pa ang singer para hindi na mahawa sa pagiging negatibo nito pagdating sa bayad sa kanya!

Pagdating sa bahay ng nag-imbita sa singer, napansin agad niya ang pagkain. Feeling niya ay tira-tira lang ang inihain sa kanya. Gusto sana niyang tumalak sa inihanda sa kanila.

Eh, kasi, kilala sa showbiz ang nag-invite sa kanila kaya tumahimik na lang siya. Baka naman matsismis siya sa ugaling reklamador kaya pumirmis na lang siya hanggang mag-show at bumalik na ng Maynila, huh!

Sarah miyembro na talaga ng pamilya, kasama sa cruise ng mga Gutierrez

Join si Sarah Lahbati sa cruise na lulan ang Gutierrez family para sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez. May mga tweets man si Sarah pati na si Ruffa Gutierrez tungkol sa cruise, bawal naman silang maglabas ng mga details ng mga ginagawa nila sa loob ng ship.

May pinirmahan kasing confidentiality agreement ang buong pamilya pati na ang kasama sa biyahe na bawal maglabas ng anumang detalye. Kanilang ina-update ang followers nila kung saan na silang Asian country.

Sa Singapore nagsimula ang cruise and as of yesterday, sa Malaysia ang next stop nila. Sa E! channel mapapanood ang reality show ng Gutierrez family.

 

vuukle comment

EAT BULAGA

HOLY WEEK

IT TAKES GUTZ

LUNES SANTO

MIYERKULES SANTO

PAOLO BALLESTEROS

RUFFA GUTIERREZ

RYZZA MAE DIZON

SA E

SA SINGAPORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with