^

Pang Movies

Kahit sa action dapat Mark Anthony napipilitang makuntento sa drama

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kung hindi unti-unting naglaho ang action pictures sa eksena, sa pare-parehong mould ng kanyang amang si Rudy Fernandez bini-build-up si Mark Anthony Fernandez.

Tulad ng kanyang yumaong ama, maliksing kumilos at sensitibong umarte ang anak nina Daboy at Lorna Tolentino.

Dahil sa kawalan ng mga action vehicle, tila napipilitan siyang tumanggap ng mga teledrama.

Siya ang partner ni Yasmien Kurdi sa Rhodora X, na pawang mga madudula ang mga tagpo. Kung susundan kung paano hinubog si Mark Anthony sa kanyang career, masasabing hindi pa siya akma sa mga straight drama. Dahil mahusay siyang aktor, p­uwedeng sabihin na bagay naman sa kanya ang kahit anong papel.

Magastos ang mga action movie kaya’t kahit anong trabaho ay maaaring gawin ni Mark, lalo’t meron na siyang sariling pamilya.

Naglaho na ang mga action producer at tumanda na ang mga action writer kaya’t puwede namang gawin kung ano ang available job sa showbiz.

Kabutihan ni Pacman naipakita sa sariling docu film

Nagkaroon ng chance ang mga showbiz writer na makausap ng personal si Rep. Manny Pacquiao ng Sarangani nang mag-artista siya at gumawa ng mga pelikula tulad ng Wapakman at Anak ni Kumander at maging host ng mga TV game show at maging bida sa mga sitcom na hindi naman gaanong nakakatawa.

At least, nakilala natin kung paano naging generous ang seven-time world boxing champ. Lahat ng yugtong ito sa buhay ni Pacman, ipinakita sa kanyang documentary film, na malaki ang naitulong upang lalo siyang mapalapit sa masa. Kahit ano pang sabihin ng kanyang mga detractor, may inner quality si Pacquiao na nagpapa­dama ng kanyang kabaitan at pagmamahal sa mga kapwa-Pilipino.

Rich celebrity kahun-kahong giveaways ang kinukulimbat, ibinibenta rin!

Isang rich celebrity ay kahun-kahon kung manghingi ng giveaway products sa sikat na beauty parlor. Kaya lang ipinagbibili pala niya sa kanyang shop ang dapat na ipinamimigay ng libre!

Kitang-kita ng mapanirang komedyana na may mga tag price ang kanyang nahinging give­aways.

Ang isa namang kilala namin, inuwi sa bahay ang boxes of giveaways. Ito ang ginawa niyang Christmas gift sa friends and relatives last Holiday season. Aba, maganda pa ang packaging ng giveaways kaya disenteng pang-regalo noong Kapaskuhan!

Jennylyn at Patrick puwede pang magkabalikan

Hanggang ngayon nananahimik si Jennylyn Mercado tungkol sa balikan ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano with Angel Locsin. Say niya, desisyon ng dalawa ito at wala na s­iyang pakialam doon.

Kahit gustong manahimik, malungkot pa rin si Jen at hindi pa matukoy nang husto kung bakit sila nagkasira ni Luis.

Ang magandang actress naman natin ang mga tipong madaling makakita ng bagong lovers kaya okay lang na ibaling sa iba ang pagmamahal. Sa bilis ng takbo ng panahon, hindi na tayo mabibigla kung back to each other’s arms sina Jennylyn at Patrick Garcia!

After all, meron silang anak na lalaki na puwedeng maging dahilan for a stronger future friendship.

Pagsisid ni Anne ngayong gabi na!

Ngayong Lunes na ang simula ng rating battle sa karagatan. Magsisimula na ang telecast ng Dyesebel ni Anne Curtis, right after TV Pat­rol. Ang Kambal Sirena naman na nagsisimula pagkatapos ng 24 Oras ay buong isang linggo na.

Limang araw nang nagpakitang gilas ang GMA mermaid show pero tiyak na maaagaw na ang kanilang mga televiewer ng Dyesebel.

May the best tail (kaliskis) win!

 

vuukle comment

ANG KAMBAL SIRENA

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

DAHIL

DYESEBEL

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with