^

Pang Movies

Venus kinokonsulta sa pagsusuot ng bathing suit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang impressed ang former Binibining Pilipinas-Universe na si Maria Venus Raj sa mga kandidata ngayon ng 2014 Binibining Pilipinas pageant.

Personal nang kinausap ni Venus ang ilang mga kandidata at natutuwa siya na marami sa kanila ay tinuturing siya bilang inspirasyon sa kanilang pagsali sa naturang beauty pageant.

 â€œNakakataba ng puso kapag may lalapit sa ‘yo at sabihin na you’ve become their inspiration. It means na nakatulong ako sa pag-improve sa buhay niya at maabot ang mga pangarap niya.

“Ako rin naman, may mga naging inspiration din ako sa buhay ko kaya lahat ng mga pangarap ko, kahit paano, ay naabot ko.

“Kumbaga, I am just paying it forward. Kung ano ang mga natutunan ko mula sa mga taong naniwala sa akin, iyon din ang pinapasa ko sa mga taong humihingi ng tulong sa akin,” pahayag ni Venus.

Ilang mga kandidata nga ay humihingi pa ng tips sa kanya kung paano sila haharap sa audience na walang kaba, lalo kapag suot na nila ang mga sexy bathing suit.

“Ang puwede ko lang naman sabihin sa kanila ay maging natural lang sila—kung ano ‘yung confidence na pinakita nila noong screening pa lang, dalhin nila iyon hanggang sa coronation night.

“Mag-enjoy lang sila sa ginagawa nila. Kapag masaya ka kasi sa ginagawa mo at hindi mo iniisip ang pressure, mas lalabas ang confidence mo,” diin pa niya.

May nakikita na ba si Venus sa mga kandidata ngayon na puwedeng manalo na ng Miss Universe crown?

“Maraming magaganda this year. May mga karapatan silang manalo talaga. Iba naman ang ganda ng Pinay, ’di ba? Talagang nagiging standout tayo sa iba’t ibang beauty pageants.

“Whoever wins the title this year at maging representative natin sa Miss Universe, I hope and pray that she do her very best. At ang support ng buong bansa ay laging nandiyan,” sagot ng fourth runner-up sa Binibining Pilipinas-Universe.

May natapos nang indie film si Venus, Ang Tweet ni Florante Kay Laura, na mula sa direksiyon ni Cris Pablo. Kasama niya rito sina Ervic Vijandre at Teejay Marquez.

Sa March 23 naman ang simula ng kanyang travel magazine show sa GMA News TV na Business Flight kasama ng business woman turned TV producer na si Cristina Decena.

Direk Andoy sinalo ang hindi matapus-tapos na pelikula ni Direk Elwood

Pinaka-busy na director pala ngayon si Andoy Ranay. Kaya pala wala muna siyang ginagawang teleserye sa GMA 7 ngayon dahil dalawang pelikula ang ginagawa niya. Una ay ang teen flick based on the top-selling teen novel na Diary ng Panget: The Movie na bida ang mga star ng Viva Films na sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman, at Andre Paras.

Pangalawa ay ang The Trophy Wife nina Heart Evangelista, Cristine Reyes, at Derek Ramsay.

  Naabutan nga namin si Direk Andoy sa shooting ng Diary ng Panget: The Movie sa Lyceum University of the Philippines sa General Trias, Cavite. Nasa last four shooting days na raw sila at tuwang-tuwa siya sa pinakitang cooperation ng mga bagets sa kanilang shooting.

“Halos everyday kaming nagsyu-shooting kasi may playdate na nga kami ng April 2. Pero wala kang marinig na reklamo mula sa mga batang ito. Ang dami nilang energy at very positive sila. Gusto nilang maganda ang kalabasan ng movie kaya they give it their all. Lalo na si Nadine who plays the lead role as Eya. She is full of enthusiasm and charm. This film will definitely make her a household name at magiging idol siya ng fans ng Diary Ng Panget,” papuri pa ng direktor.

’Yung project palang The Trophy Wife ay ibinigay na sa kanya ng Viva Films dahil hindi matapus-tapos ni Elwood Perez. Last year pa raw ito nasimulan pero hindi pa rin nangangalahati.

Dahil naging hit nga ang When the Love is Gone, ipinagkatiwala na kay Direk Andoy ang project. Kaya magsisimula ulit siyang mag-shooting ng bago at hindi niya gamitin ang mga nakunan na ni Direk Elwood dahil ayaw na raw niyang sirain ang anumang nasimulan na niya.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANDRE PARAS

ANG TWEET

DIREK ANDOY

DIREK ELWOOD

MISS UNIVERSE

TROPHY WIFE

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with