^

Pang Movies

Hindi raw magkagalit pero… AiAi tumatangging magpa-interview kay Kris!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pa rin pala okay sina AiAi delas Alas at Kris Aquino. Ito ang napansin ng entertainment press sa grand presscon ng Dyesebel base sa mga sagot ni Concert Comedy Queen.

Although hindi naman niya deretsahang sinabi na hindi sila okay, mahahalata mo naman ito sa kanyang mga sagot. Pero nilinaw ni AiAi, hindi sila galit ni Kris.

“Hindi kami galit. Huwag n’yo nang tanungin about Kris kasi lumalaki nang wala namang kuwenta. Huwag na, manahimik na lang,” sambit niya.

When asked kung willing ba siyang mag-guest sa Aquino and Abunda Tonight, sagot niya ay oo naman daw.

“Willing naman ako, oo naman, wala naman sa akin ‘yon. Alam naman natin na marami kaming pinagsamahan ni Kris,” dagdag pa niya.

Okay din ba sa kanya kung si Kris ang mag-i-interview sa kanya?

“Kung si Kris ang mag-i-interview? Okay lang. Pero mas maganda kung si Boy na lang. Oo, siyempre ama ko ’yon. Huwag kayong ganyan. Intrigera kayo,” she said.

Sirena ang role ni AiAi sa Dyesebel at first time ever niya raw na gumanap ng ganitong papel. Siya ang ina ni Anne Curtis sa tubig at para sa seryeng ito ay nag-aral din siyang lumangoy. In fact, nalunod pa siya habang nagte-training and good thing, nasagip naman daw siya agad ng kanyang trainor.

“Pero marami akong nainom na tubig. Glug, glug, glug talaga,” say niya na ikinatawa ng press.

When asked kung bakit niya tinanggap ang ma­ging supporting samantalang reyna na siya, aniyang walang kaplastikan, kailangan daw niyang mag-work dahil naka-guaranteed contract siya.

“So, kung wala pong work o may work, pareho lang, sumusuweldo ako. So, mag-work po ako. Kasi, hindi rin naman sila ganun kabait na wala akong work pero may suweldo ako.

“So, nandito po ako. Wala na­man po akong choice kundi sundin sila. Isa po akong mabu­ting sundalo,” she said at tigas na tawanan talaga ng lahat.

Magsisimula na ang Dyebel sa Lunes, March 17. Bukod kay Anne, AiAi, kasama rin sa po­werhouse cast sina Sam Milby, Gerald Anderson (as the lea­ding men), Zsa Zsa Padilla, Neil Coleta, Albert Martinez, Gabby Concepcion, Dawn Zulueta, Eula Valdez, Andi Eigenmann, Bangs Garcia, at marami pang iba.

Sharlene gumaganda na ang samahan kina Jairus at Francis

Gumaganda na ang samahan ng mga karakter ng Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao sa pagpapatuloy ng month-long Wansapanataym special nilang Si Lulu at Si Lily Liit.

Sa pagpapatuloy ng weekend fantasy anthology ngayong March 15, Sabado, ngayong dumarami na ang nakakakita sa kanyang maliit na kakambal, magagawa ni Lulu (Sharlene) na itapon sa basurahan si Lily (ginagampanan din ni Sharlene) dahil sa gulong idinudulot nito sa kanyang buhay.

Tampok din sa Si Lulu at Si Lily Liit sina Paul Salas, Assunta de Rossi, Ron Morales, John Lapus, Desiree del Valle, John Medina, JB Agustin, Vladimir Galang, at Kazumi Porquez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Manny Palo.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ANDI EIGENMANN

ANNE CURTIS

HUWAG

NAMAN

PERO

SHARLENE

SI LILY LIIT

SI LULU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with