Depressed daw sa pag-aabandona anak ni Jose Manalo nagtangkang magpakamatay sa pag-inom ng halu-halong gamot!
MANILA, Philippines - Nagtangka umanong magpakamatay sa pamaÂmagitan nang pag-inom ng iba’t ibang uri ng gamot ang 17 anyos na anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo sa loob ng kanilang inuupahang condominium unit sa San Juan City nung isang gabi.
Ayon kay Atty. Dennis Pangan, abogado ng anak ni Manalo na hindi na binanggit ang pangalan dahil sa pagiging menor de edad nito, matinding
depresyon ang dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kliyente na magtangkang kitlin ang sariling buhay dakong alas-10:00 ng gabi.
Naabutan na lamang umano ng kanyang ina ang bata na nakahandusay sa kanilang condo unit sa San Juan City at walang malay kaya’t kaagad itong isinugod sa pagamutan.
Nag-iwan pa umano ng suicide note ang biktima kung saan binanggit nito ang mga pangako ng ama sa kanya, kabilang ang pagsagot nito sa kanyang tuition fee.
“Kagabi po bandang alas diyes ay nagtangkang magpakamatay itong pangalawa sa bunsong anak ni Jose Manalo ng Eat Bulaga sa pamamagitan
ng pag-inom ng sari-saring gamot na nandun at nung abutan po ng kanyang ina ay nakahandusay na po ’yung bata at wala na pong malay at sinugod po sa pagaÂmutan,†ani Pangan, sa panayam sa radyo (dzMM).
“Laging umiiyak at laging hinahanap ’yung tatay at hinahanap ’yung mga pangako ng tatay na siya’y haharapin na sila’y susuportahan. At dahil po sa hindi pagsuporta sa bata, ito ngang nag-suicide ay ‘di na
pumasok sa eskuwelahan ’tapos nalipat ng eskuwelahan. Pinangakuang babayaran ’yung tuition fee. Hindi binabayaran ’yung tuition fee. At last week, sinabihan na hindi mag-aaral ’yung bata,†pahayag pa ng abogado.
Naniniwala rin ang abogado na labis-labis ang pagdaramdam ng bata sa ama dahil inabandona siya ng
kanyang ama matapos na hindi man lang bigyan sila ng kahit ano noong nakaraang Pasko, na patunay na naaalala sila nito.
“Sobrang depressed po siya para sa bunsong kapaÂtid dahil ’yung Pasko raw po ni isang kendi wala raw pinadala ’yung tatay o ng kung anuman na
naalala sila ng tatay nila. Parang hanggang ngayon ho ay hindi sila itinuturing na anak ng kanilang tatay,†dagdag pa ni Pangan.
Sa ngayon umano ay naka-confine sa isang pagamutan sa Pasig City, na hindi na pinangalanan, ang biktima kasama ang kanyang inang si Analyn Manalo.
Matatandaang noong Disyembre 2013 ay nagsampa ng kasong child abuse ang biktima laban kay Manalo sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa pagkabigo umanong bigyan siya ng suportang pinansiyal.
- Latest