^

Pang Movies

Kris naka-move on sa ‘pagbebenta’ ng mga ibinigay ni James

- Vinia Vivar - Pang-masa

Mukhang wala na ngang pain and bitterness kay Kris Aquino sa nakaraan nila ng dating asawang si James Yap dahil kung dati ay hindi niya maikuwento ang mga sweet moment nila, kahapon sa Kris TV ay kaswal niyang ni-recall ang ilan sa mga natatandaan niyang ginawa ng ex-hubby na tumatak sa kanya.

Ang topic kasi ay sweetest thing na nagawa ng guy sa kanila ni Erich Gonzales na guest nila.

Ayon kay Erich, para sa kanya, sweet daw para sa kanya kapag binibigyan siya ng oras ng guy lalo na kung sobrang busy nito.

Nang turn na ni Kris, say niya, noong bilhan siya ni James ng Birkin (by Hermes) bag noong last wedding anniversary nila bago sila maghiwalay at dying na noon ang kanyang inang si Cory Aquino. Knowing daw kung gaano ito kakuripot, para gumastos daw ito ng ganun kalaki is something sweet of him.

“Parang ang naalala ko, sinabi niya, ‘I know kung gaano ka ka-sad. Para at least may konting happiness naman dito.’ That was my first (Birkin). Hindi ako bumibili talaga kasi parang feeling ko kasalanan. I know it’s a material thing but it was the thought behind the material thing,” say ni Kris.

At mahal naman daw talaga ang bag at siguro raw ay isang buwang suweldo ni James ang ipinambili nito. Pero noong naghiwalay sila ni James, she disposed the bag bilang part ng moving on.

Isa pang natatandaan daw niyang sweet gesture ni James ay nang bigyan siya ng pink Rolex watch noong birthday niya in 2010. Pero nagpakatotoo si Kris sa pagsasabing pareho na niyang nai-trade-in ang bag at relo.

“At least alam nila, ganoon talaga ‘yan para move on, move on. Kapag move on ako, move on talaga. Para at least hindi ko na masusuot. Walang awkwardness, so, lahat ng sinusuot ko ngayon, akin na lang,” kuwento pa ni Kris.

Kaya naman daw niya ito naikukuwento ngayon ay dahil wala na talaga sa kanya.

“Okay na, wala na, kaya ko nang i-look back,” saad pa ni Kris.

Edward ilalabas ang sikreto kung paanong pumayat kahit matakaw

Ini-release na ng model/actor na si Edward Mendez ang kanyang libro about fitness na Your Dream Body Come True na mabibili na ngayon sa lahat ng National Book Store outlets, Fullybooked, Belo Medical Clinics, Sexy Solutions clinic, and Zalora.

Sa book launch na ginanap last Saturday sa National Book Store sa Glorietta, lahat yata ng mga babae roon ay nagsu-swoon sa pagka-hot ni Edward.

Ang libro ay naglalaman ng kanyang journey kung paano siya pumayat mula sa pagiging chubby at siyempre kung anong diet program and exercises ang ginawa niya.

Kung ang ibang nagpapapayat ay sa pagkain nagbabawas, ang program naman ni Edward ay “eat more, exercise less”. Kung bakit, sa libro n’yo ito malalaman.

Sa ngayon ay marami na raw sa celebrities natin ang nagbabasa ng kanyang book at sinusunod ang kanyang program tulad nina Ces Drilon, Pinky Webb, Lui Villaruz, among others.

Si Martin Nievera ay nagpatulong sa kanya in preparations for his concert.

“Natutuwa ako kasi nagamay nila ’yung principle and start to believe the program,” say ni Edward.

vuukle comment

BELO MEDICAL CLINICS

BIRKIN

CORY AQUINO

DREAM BODY COME TRUE

EDWARD MENDEZ

ERICH GONZALES

KUNG

LUI VILLARUZ

NATIONAL BOOK STORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with