^

Pang Movies

PMPC, moral question ang kailangang sagutin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - The Philippine Star

Ayaw sana naming mag-comment tungkol sa nababalitang “lobbying” sa katatapos na Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil, una, hindi naman kami kasali; ikalawa, wala naman silang sinabing ang choices nila ay dapat tanggapin ng publiko. Ang sinasabi nila, iyon ang choice nila. Kung tanggapin man ng mga tao ang napili nila o hindi, wala silang magagawa.

But, yes, Alfie Lorenzo. Ang katoto naming si Alfie ay nagtatanong sa amin, “Hindi ba sinabi ni Gov. ER Ejercito na para sa kanya ang PMPC Star Awards ang pinaka-credible?” 

Natatandaan naming sinabi niya iyon at siguro nga mahirap niyang baguhin iyon matapos siyang papanalu­ning best actor ng PMPC sa dalawang magkasunod na taon. Nasilat lang siya on their third bid.

Lumalabas na nagkaroon ng “bilihan ng boto”. Admitted iyon ng nagbibintang sa PMPC dahil   siya mismo ay “nag-lobby”. Ano ba ang definition ng lobby? Sabi sa diksyunaryo, iyan ay isang pagkilos para maimpluwensiyahan ang desisyon ng iba para sa kapakanan ng naglalakad. Paano ginawa ang lobby­ing? Sinasabi ng publicist ni Gov. ER na, “Nangutang ako sa kaibigan ko para mailaban ang aking baby.” Meaning, nagkaroon ng “lagayan”. Sorry to say, isang PMPC insider ang umamin na ang “lobby” ay umabot sa P15,000 each.

Pero may isa pang nag-lobby, na kinukuwestiyon dahil member daw mismo ng PMPC. Meaning, ang lobbying ay hindi lamang galing sa labas kundi maging sa loob. Hindi na rin bago iyon sa aming pandinig kasi minsan may narinigan din kaming ang mismong presidente pa ng samahan, although hindi naman ang PMPC iyon, at nagkakampanya mismo para sa gusto niyang manalong best actress.

Ang gustong mangyari ng mga nagrerekla­mo ay buksan ang ballot box para malaman kung nagkaroon ng dagdag-bawas o naonse siya ng mga “binigyan” niya. Ang stand ng PMPC ay hindi maaaring buksan at ihayag sa publiko ang laman ng ballot box. Internal matter ’yan. Ibig sabi­hin para buksan ’yan, kailangan ang isang resolus­yon ng majority ng mga member nila.

Dalawa ang tanong na kailangang sagutin. Isang legal at isang moral question.

Ang legal question, wala tayong magagawa. Desisyon nila iyon at sila naman ang may-ari ng Star Awards. Ibig sabihin, kung kanino nila gustong ibigay iyon, regardless of whatever consideration, nasa kanila iyon. Ang question ng “lagayan” at “onsehan”, problema na iyon ng naglagay at nang-onse.

Ang talagang matinding question ay mo­ral. Moral ba ang tumanggap ng lagay para sa ganyang mga bagay? Moral din ba naman ang maglagay para manalo ng awards? Morality is relative. Maaaring ang moral sa iba ay hindi naman katanggap-tanggap sa iba. Kaya ayaw din naming sagutin ang question of morality. Para sa amin, immoral ang tumanggap at magbigay ng suhol. Baka hindi gano’n sa iba.

Ang PMPC ay tahimik. Kailangan daw muna ng isang general meeting para pag-usapan kung ano ang isasagot nila sa akusasyon laban sa kanila. Hindi ito ang unang pagkakataon na ang isang award-giving body ay naakusahan nang ganyan. Halos lahat naman yata ay may nasabi nang ganyan maliban sa Catholic Mass Media Awards.

Hindi namin alam kung ano ang gagawin ng PMPC. Kung kami ang tatanungin, there should be an independent investigation pero kailangan ang PMPC din ang magsabi kung sino ang mag-iimbestiga kasi pribadong samahan sila. Hindi sila puwedeng idemanda dahil lang sa awards nila dahil sino ba ang may pakialam kung sinuman ang piliin nila?

Pero isang bagay ang sigurado, magkakaroon pa ng 31st PMPC Star Awards.

ALFIE LORENZO

ISANG

IYON

KUNG

NILA

PARA

PMPC

STAR AWARDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with